The Bully
ORION'S POV
Maaga akong nagising at naligo. Inayos ko na rin ang mga libro ko para ngayong araw. Madami dami na naman sigurong ipapagawa at itatanong sa amin kagaya kahapon.
"Law dictionary pala ang wala ako! Pakshet naman oh."
Kung ano pa pinaka mahalagang libro, yun pa ng wala ako. T_T
--------------------------
KOA'S POV
Umagang pagkain ang bungad. Nagluto lang naman si Mamshie nang Arroz Caldo at sinamahan pa ng Caldereta. Wuhoooo, heavy breakfast here we come.
"Koa! Bu-" I happily hugged her. Ganda talaga ng bungad kapag pagkain ang nasa harapan.
Well, food is life. Yan ang motto na binigay sa akin ni Mamshie ano. ^_^
Nakailang pabalik balik ako sa rice cooker habang masaya at naghahalong pagtataka kong tinititigan si Mamshie na nakangisi sa harapan ko.
"Bolaga, Mamshie." Saad ko at tinulungan siya roon sa kusina. "Bakit hindi ka nagulat? Dapat magulat ka, Mamsh."
"Paano bang gulat dapat ha?" Makakalimutin na talaga dahil gurang na nanay ko joke.
"Like woah." I faced her with my reaction being surprised but then she just laughed on me and twirl my ears.
*/sobs; masyadong mapanakit nanay ko. Parang hindi ako anak T_T
-------------------------
Naupo na kami at doon sabay kumain. Masarap yung pagkain as I always expected ano.
"So, how's your day yesterday?"
"Ako?" I started munching my food. "Okay naman kaso may epal nga lang."
Mamshie eyebrows suddenly raised. "And who is it?"
"Sino pa ba?" I also asked her but she just give me a confusing look. "Si Dominique."
"Ha? Nandiyan pa pala iyang babaeng yan?"
"Malamang, hindi nakuntento sa bardagulan namin noong tatlong years na nagdaan."
"Buti hindi pa gumagawa yan ng ikaka-guidance niyo ano?" Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi ni Mamshie pero natatawa talaga ako. "Okay ka lang ba, Koa?"
"Okay lang ako Mamshie. Sadyang natawa lang ako sa pinagsasabi mo."
"Bakit? May nakakatawa ba? Wala naman ah."
"Kahapon kasi, hindi tanggap ng bruha yung pagkatalo niya." Naalala ko tuloy yung pinagsasabi niya sa akin.
"Tapos?"
Magsasalita pa sana ako kaso naalala kong mal-late ako. "Mamsh, alis na ako ah? Babyeeee."
Dali dali akong naghanap nang masasakyan ko at nagtatakbo papasok sa university. Nang makapasok ako sa may hallway, nakita kong may nag-aaway.
Tiningnan ko yung orasan sa may principal office tapos 7am palang pala. Ano ba yan, may 1 hour pa palang free time. Sayang yung luto ni Mamshie T_T
Lumapit ako paunti unti roon sa nag-aaway at namataan kong mayroon na namang kaaway ang gagang epal na si Dominique. Puro away na lang talaga ang dulot ng babaeng ito.
Madaming naghihiyawan, nagkakampihan, halos dumausdos na nga yung mukha nung kaaway ni Dominique.
Pumagitna ako sa kanilang dalawa pero nasampal ako nang napakalakas ni Dominique sa kaliwang pisngi ko na biglang nag-init.
"Ano bang ginagawa mo diyan, Koa! Tumabi ka nga!" Bulyaw nito pero nanatili ako sa gitna at tinulungan yung kaaway niya. "Koa, sabing tabi hindi ba?! Tab–" I cutted her words.
"Bakit, kapag tumabi ba ako anong mangyayari? Lalong lala yung away niyo! Tumi–"
"Ayoko, that girl messed my outfit today! Look at me." Basang basa yung uniform niya at mukhang natapunan ata ng beverage. "Nakakainis siya! Kakalbuhin ko yan!"
Bulyaw niya pero pilit ko pa ding tinatakpan ang kaaway niya dahil kapag ako nanghina rito, paktay kami pare-pareho. Habang pumapagitna sa kanilang dalawa, bigla niya na lang hinila ang buhok ko kaya napatumba ako.
"Ayaw mong umalis right? Then, you'll be the one who will suffer right now." Halos hilain niya ako at ipadausdos doon sa hallway, nakakaladkad na ako pero hindi ko siya mahawakan dahil sa higpit ng hawak niya sa buhok ko.
"T-tumigil–" Napatigil kaming dalawa ni Dominique nang nasa harapan na namin ang guidance councilor.
"To my office now! Ms. Cress and Chiara! Immediately!" Mabibigat na yabag niya ang umalingasaw sa buong hallway. Sumunod naman kaagad at si Dominique at sinabunutan pa ng pahabol ang kaaway niya kanina.
Pahamak talaga ang epal na yun! She's getting unto my nervesssss! >_<
---------------------------
ORION'S POV
Kararating ko lang nang masilayan ko yung mga students sa hallway na kanya kanya nang bumabalik sa classroom nila.
"Anong nangyari?" Bulong ko at lumigid ang paningin ko nang makita ko si Koa, kasama niya yung flirty girl from yesterday. "Si Koa? Mag-g-guidance?"
Dali dali ako sumunod sa kanila. Hindi naman talaga ako chismoso ano ba kayo T_T
I just wanna know something lang naman */smirk
------------------------
KOA'S POV
We're on our way to the guidance office, samantalang yung epal na Dominique na ito akala mo kung sinong walang pakealam dahil sa mga pinaggagawa niya kanina.
Subukan lang niyang magpa-inosente mamaya ah? Humanda siya sa akin */rolled eyes sabay flip hair.
Nang makapasok, pinaupo kami roon at pinagsabihan.
"Mga nasa dean's lister kayo tapos ganyan ang mga asal ninyo?! At doon pa talaga sa hallway?"
Galit na galit siya, kahit sino nama'y magagalit sa pinaggagawa namin. Hindi ko alam ang buong pangyayari kaya shut up lang muna ako.
"Si Koa ho kasi, Miss." Saad ni Dom at sabay turo sa akin.
"Ako pa ba ang may kasalanan? Pumagitna ako para matapos ang gulo tapos ngayon ako babaliktarin mo?" I just chuckles bitterly facing her.
"Akala mo kasi kung sinong hero ka! Epa–" The professor cut her off.
"Shut up! To the both of you!" Pinag bagsakan niya kami ng kamay sa desk niya. "The two of you is now SUSPENDED!"
Wait whaaaat?! ('⊙ω⊙')
"What?!" Dominique and I shouted shockingly.
Kami suspended? Lagot ako kay Mamshie nito! T_T gosh.
Next chapter ahead! Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
LS#1: Ride me in court, Love✓
Teen Fiction[COMPLETED] A lawyer, an independent woman who can justify her love just for forsaken man. Handang sumugal kahit batas pa ang maging kaaway, sa gitna ng alitan labanan ay buhay. Isang propesyon na kanyang hinaharap ay isang pagsubok para sa kanilan...