[ MATTHIAS ARIAGON ]
Riverside.
Kanina pa ako nakatambay dito. Well, hinihintay ko ang mga tropa ko dahil magkikita-kita kami at susubukan namin tumawid gamit ang zipping line na iyon sa taas ng ilog patawid sa kabila. Bago pa lang itayo ang zipping line kaya nagyayaan kaming subukan. I love adventures with my friends and it really made me happy and feels so alive that's why I still waiting for them though it's obviously na na-indian na naman ako. Kalimitan si Shaun lagi ang nagiging dahilan kung bakit hindi natutuloy ang lakad namin dahil sa mga babae niya. Gusto ko sanang umalis at umuwi na but someone caught my attention.
A girl seating in a field of grass watching a flows of river and a flows of people surround her. She's not familiar to me. Lagi akong nandito sa Marikina dahil nandito halos ang tropa ko kahit malayo ang bahay namin. Pero hindi ko pa nakita ang babaeng iyon dito. I don't know why he stole my attention, siguro dahil kakaiba siya and she's alone. Wala siyang ginagawa kundi ang magmasid lang ng mga tao. Iyon pa ang umagaw ng pansin ko dahil siya lang ang walang hawak na cellphone at hindi nagseselfie or something scrolling the screen. She's different or baka ngayon lang dahil naiwan niya ang phone niya.
Kalahating oras din ang itinigal niya sa pagkakaupo at tumayo na siya agad. Nagulat ako ng may isang batang lalaki ang lumapit sa may likod niya at nakita ko ng may dukutin ito sa bulsa niya. Magnanakaw. Sigaw ng utak ko. Meron din pala na ibang nagmamasid sa kanya. I curse at a young boy. Akala ko ako lang. So I run fast as I can to follow that young thief. At sa kakaiwas ko ay nabunggo ko pa ang babaeng pinagmamsdan ko pero hindi ko muna siya pinansin dahil ang cellphone niya ang hinahabol ko.
Hindi ko pwedi sabihing may dumukot ng phone niya dahil maghihinala siya na pinagmamasdan ko siya. Well, I'm not sure pero para safe lang ang lahat. Ilang hakbang pa ay nahabol ko na ang bata sa may tagong lugar at kinuwelyuhan ko siya para kunin ang cellphone. Natakot ang bata kaya ibinigay naman sa akin kahit nagtataka siya kung bakit ako ang kukuha. Pagkakuha ko ay patakbo pa rin akong bumalik para mahabol ko ang may-ari ng cellphone dahil mukhang aalis na rin siya. Buti na lang wala siya sa sarili niya kaya parang slow-mo lang ang lakad niya at naabutan ko siya.
"Cellphone mo. Naglaglag." Hinila ko ang hood ng jacket niya para humarap sa akin at saka ko ibinigay ang cellphone na nagtataka rin kung bakit wala sa bulsa ng jacket niya.
"Thank you.."Natulala siya ng magkatitigan kami at halatang bumaba ang tingin niya sa nunal sa may labi ko na kinaiinisan ko. Gusto ko ng ipatanggal ito dahil takaw-pansin ngunit ayaw naman ni Mama.
"Be careful in this place." Sabi ko na lang.
"Thank you for your kindness." Pagpapasalamat niya ulit na parang napakaformal naman. Ilang segundo niya pa akong tinitigan at saka tumalikod at sumakay sa naghihitay na sasakyan sa hindi kalayuan. 'Mukhang mayaman siya'. Sigaw ng isip ko.
Isang linggo ang nakalipas dahil sa okay na ang inis ko nang hindi ako sinipot ng mga tropa ko ay nagyaya ulit sila ng jamming. Tapos na naman ang pasukan. Hindi ko akalain na tapos ang ang unang taon ko sa kolehiyo. Maghihintay na lang ako for enrollment para sa ikalawang taon ko.
Sa gc lang kami nag-usap-usap at nakabuo ng plano ng mga barkada ko. Ang usapan namin ay magkita-kita kami sa rooftop ng abandonadong building na malapit sa station ng train. Limang palapag iyon kaya naisipan kong mauna sa kanila para makapagpahinga ako. Kalahating oras pa sa usapan namin ay nauna na ako. Malapit din ang building na iyon sa isang Subdivision na mayayaman at negosyante ang nakatira. Sa Alveza Subdivision.
Paglapag ko sa huling palapag ay naisipan kong umupo malapit sa parte kung saan tanaw ang ilog ngunit nagulat ako ng may narinig akong umiiyak. Babae. Hindi ko alam kong kakaripas ako ng takbo o tatalon na lang sa building para makalayo sa lugar na iyon. Minumulto ako. Alas kwatro pa lang ng hapon may multo na agad dito. Kahit purong lalaki ako ay nakaramdam rin ako ng takot. Hindi tumitigil ang paghikbi ng babae. Hinanap ko kung saan siya dahil wala naman akong makita. Hindi siya multo dahil mukhang tinatakpan niya pa ang bibig niya para walang makarinig. Dahan-dahan ako hanggang sa masilip ko siya sa likod ng lumang malaking tangke na imbakan ng tubig. Nakasalampak siya at nakasandal sa tangke habang nakayuko at umiiyak.
YOU ARE READING
Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )
Teen FictionLainerry Escamilla couldn't take her eyes from him; a simple attractive and gallantry guy who bumped her shoulder at the park. Matthias Ariagon was become her haven during her worst situation. His solace personality was one of the reason why she fal...