[ LAINERRY ESCAMILLA ]
Buti sabado kaya pinayagan ako ni Mommy na ihatid si Yaya. Tumawag ako kanina para magpaalam at okay naman sa kanila.
Ako muna ang nagdrive palabas ng East papunta ng Cubao dahil hindi pa naman masyado traffic. Si Yaya Lucy ang nasunod na dito sa sakyan ko sumakay si Matthias at doon naman siya kay Kuya Noel. May inabot sa akin si Kuya Noel na cash bago nagmaneho. Ipinapabigay ni Mommy kay Yaya Lucy. At mamaya ko na pagdating sa kanila ibibigay. Nakasunod lang si Lexxy sa kanila dahil hindi pa ako masyado pamilyar sa mga kalsada. At dumaan rin muna kami kila Matthias para magpalit siya at magpaalam na sasamahan ako."Mag-isa ka na lang sa bahay mo." Makahulugan na sabi ni Matthias habang busy ako magmaneho.
"Tapos. Worried ka? Eh di samahan mo." I suggesting pero seryuso ako sa bagay na iyon. Baka maghanap na siyang iba dahil engaged na ako sa iba. Nag-aalala ako na baka magbago siya. Ako ang may kasalanan kayo hindi ko siya masisisi kung magkataon man iyon.
"Baka may papasukin kang iba." Sambit niya. Wow ha. Talagang ako ang pinag-isipan niya huh. Dalawang lalaki na ang involve sa akin tapos maghahanap pa ako ng iba.
"Swerte sila kung ganoon?." Pang-aasar ko.
"Subukan lang nila. Pero seryuso. Wala ka nang kasama. Maghired ka na lang ng kasambahay mo ulit." Suggest niya. Ayaw ko nga. Kakayanin ko mag-isa dahil gusto ko sanayin ang sarili ko na huwag dumepende sa ibang tao. Dahil kung sakaling maiwan ulit ako ay hindi na ako malubog. Hindi na ako masasaktan.
"Hindi mo ko sasamahan?." Patanong na sabi ko.
"Mahirap na eh. Delikado." Sagot niya. Kainis. Parang ako yung nagmamahal ng lubos eh. Ako yung gustong-gusto siya makasama araw-araw. Alam niya ang nasa utak ko kaya humalukipkip siya at tumitig sa akin ng matagal. Walang imik. Nadi-distract ako sa ginagawa niya. Para siyang nagmamakaawang pusa.
"Mine.." Tawag niya sa akin.
"Yep?." Sagot ko habang nagmamaneuver ng sasakyan. Medyo ngalay na ako dahil pahinto-hinto kami nasa EDSA na kami kaya hindi maiwasan ang kaunting traffic kahit sa tanghaling tapat.
"Pakasalan mo na 'ko." Napahawak ako sa bibig ko. Nakalimutan ko'ng nagdadrive pala ako.
"Gusto mo ba'ng mabangga tayo. Nakakagulat yang pinagsasabi mo, Matthias. Baka saan tayo pulutin neto." Tumatambol ang puso ko habang sinasabi ko iyon. Hindi siya nagbibiro pero alam namin pareho na impossible iyon sa ngayon.
"Ikaw eh. Iniisip mo ba na susukuan kita? Hindi iyon mangyayari. Nag-iisip ako ng magandang dahilan para maging okay ang lahat. Maghintay ka lang. Okay? Huwag ka tumitig sa akin. Eyes on the road." Paalala niya. Kung makautos ey boss lang.
Pasado alas syete na nang gabi ng nakarating kami ng Quezon. Halos anim na oras din ang ginugol namin para makarating sa Quezon. Sa Cubao pa lang nagpapalit na ako dahil ngalay na ako magdrive. At nang si Matthias na ang driver ay paminsan-minsan niyang hinahawakan ang kamay ko.
Gusto sana ni Yaya na doon na kami magpalipas ng gabi pero hindi ako pumayag dahil may gagawin pa ako kinabukasan. Ganoon rin si Matthias may business seminars pala sila sa Monday kaya nagpaalam na kami agad umuwi after ibaba ang mga gamit at ibinigay ko na ang ipinabibigay ni Mommy. Mamimiss ko si Yaya Lucy. Sobrang bait niyang tao kaya hindi ko siya makakalimutan. Pwedi raw kaming bumisita kung gusto namin. Andaming sinabi ni Yaya at ibinilin sa amin. Nakikinig lang kami habang patawa-tawa rin si Kuya Noel. Pero nauna nang umalis si Kuya Noel dahil pupunta pa siyang Batangas.
"Pahinga muna tayo." Saad ko ng palabas na kami ng quezon. Kanina magdinner naman kami kasama pa sila Yaya sa nadaanan naming maliit na restaurant. Ngayon pasado alas nwebe na nang gabi.
YOU ARE READING
Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )
Teen FictionLainerry Escamilla couldn't take her eyes from him; a simple attractive and gallantry guy who bumped her shoulder at the park. Matthias Ariagon was become her haven during her worst situation. His solace personality was one of the reason why she fal...