Chapter 5 ~ aquaintance

202 70 10
                                    




[ LAINERRY ESCAMILLA ]


After 2 months. Nag-aaral na ako sa Marikina University. On my first day I meet my new friends; Mairi Castro and Yvette Dizon. Katabi ko sila sa upuan kaya nakipagkilala sila sa akin na mukhang ilang araw na rin naman silang magkakilala. Mabait sila kaya sa kanila na ako sumasama sa tuwing snacks and lunch.

Two months after my last conversation with Mom at pagkatapos noon ay hindi na nasunod dahil laging may tension sa hapag kainan pag magkakasabay kaming kumain. My Dad and Mom. Kaya hindi na lang ako umiimik or nag-uusisa sa mga ginagawa nila. Minsan na nga lang kami magsabay sa harap ng pagkain ay ganoon pa lagi ang sitwasyon.  Hindi ko pa rin maramdaman na okay na ang lahat. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang buhay namin. Hindi pa rin matanggap ni Dad ang pagkawala ni Kuya. Hindi ko na lang sila ginugulo para tahimik lang. Tsaka kahit ako ay nagluluksa pa rin naman pero bakit parang kahit ako ay nakalimutan na nila?Kahit ako parang patay na rin sa harapan nila.

Pero ayos lang. I can handle this. Siguro need pa ng mga magulang ko ng mahabang oras para matanggap ang pagkawala ni Kuya Lander at makita ulit nila ako. Ibubuhos ko na lang sa pag-aaral ang atensyon ko baka sakaling mapansin rin nila ako kapag nakapasa ako sa kursong gusto nila. I sudied well at hindi ako lumiliban sa klase. I'll focus myself for the future because I know my family needs me.

Kahit ang mga estudyanteng lalaki na nagtatanong ng pangalan ko ay hindi ko pinapansin. Wala akong oras para i-entertain sila. Pero makalipas ang dalawang buwan ay may magkakaroon ng Acquaintance Party sa school at hindi pweding hindi ako umattend. Mandatory daw kaya nagpaalam ako sa parents ko na ipinakita ko pa ang letters from school. Agree naman sila agad. Pero syempre ipagdadrive ako ni Kuya Noel at hihintayin ako hanggang sa maisipan ko nang umuwi.

'Magpapakita lang ako sa venue tapos uuwi agad ako.' Iyon ang nasa isip ko dahil wala ako sa mood makipagsaya. Hindi ko pa rin kaya na maging masaya because there's an emptiness inside my heart.

Pagbaba ko ng kotse'ng dinadrive ni Kuya Noel ay nagsilingunan ang ibang studyante.  I'm wearing a black halter dress na fit lang sa katawan ko hanggang tuhod and matching black high heels. My Yaya Lucy choose it not my Mom dahil busy siya. I'm entering party venue when I saw a group of boys pointing at me. Pero hindi ko naman sila pinansin dahil hindi ako sigurado kung ako ang tinuturo nila.

Pagpasok ko agad akong nakita nila Mairi at Yvette at patakbong sinalubong ako hinila sa mesa kung saan sila nakaupo.

"Akala namin hindi ka pupunta." Sambit ni Yvette habang kinukuha ang kopita na may lamang white wine.

"Oo nga. Super late ka na girl. Kanina pa nagsimula ang party. Pero ayos lang maaga pa naman." Si Mairi.

"Hi ladies.." kalahating oras na akong nakaupo doon at nakikipagtsikahan sa mga bago kong kaibigan nang may lumapit sa table namin. Hindi ko sila pinansin. Nakita ng gilid ng mata ko na tatlo silang magkakasama. Ayoko makipagkilala kahit ang party na ito ay para sana doon.

"Hello.! Yes?." Mairi entertain them. Sigurado ako'ng itong dalawang kaibigan ko ang sadya nila dahil mas maganda at maporma sila kesa akin. Mairi wearing a sleeveless and skirt while Yvette wearing a daring spaghetti red dress at kahawig niya pa si Maui Taylor noong kabataan nito.

"Uhmm. I'm Matthias. He is Shauniro and Kairos.."Nagpapakilala ng una. Hindi ko sila tiningnan dahil hindi ako interesado. But her voice seems familiar. Nakayuko lang ako at nakita ko na lang na may naglahad ng kamay sa harapan ko kaya kinuha ko naman dahil medyo awkward na dahil pinagtitinginan na ako ng dalawa ko'ng kasama sa table. Nakipagkamay ako at tiningnan ko ang mukha niya.

"I'm Matthias Ariagon. And yours?.."Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko kaya hinila ko na. Kaya pala familiar ang boses.

So. He is Matthias Ariagon. At kasama niya pa ang dalawa sa kaibigan niya. Nawala ako sa wisyo ko dahil nakita ko na naman ang nunal sa may labi niya. Yes. He is the guy who bumped me in the park and the same guy I encountered in a rooftop. At biglang naman bumilis ang pagtakbo ng pintig ng puso ko. Naalala ko tuloy 'yong kanina pagpasok ko that someone pointing at me. At sila iyon. I saw their polo at hindi ako nagkakamali na si Kairos ang nagtuturo sa akin.

Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now