Chapter 20 : A Daughter's Cry

570 81 35
                                    


Authors Note
Pakinggan niyo po yung Song na 'A Song for Mama' nasa multimedia sa part na to thanks
.
.
.

Chapter 20 : A Daughter's Cry
.
.
.
.

Jasmine's POV

"Ma"

Nakita ko si mama na nakabagsak na sa sahig na may dugo sa kanyang ulo dali dali akong lumapit

"Ma gising..Mama gising.." ginigising ko si mama

Hindi siya nagigising..Ano bang nangyari..Ma gumising ka na

"Tulong tulungan niyo po kami" sigaw ko

walang nakakarinig ng sigaw ko

"Tulong Tulungan niyo po kami parang awa niyo na tulungan niyo po kami" sigaw ko pa ron kahit alam ko na walang nakakarinig sa akin

pinipigilan ko ang pag bagsak ng luha ko dahil ayaw kong tumutulo ang mga luha ko

*TOK TOK*

May kumakatok

sumigaw ako sa lakas ng makakaya ko

"TULONG TULUNGAN NIYO PO KAMI" sigaw ko

sana narinig ako ng kumakatok..nang makakita ako ng anino ng tao sumigaw ulit ako

"Ate\Kuya tulungan niyo po kami"

Pumasok sa kusina yung Tao

NATHAN? anong ginagawa niya rito.wait kailangan ko muna ng tulong niya..

"Nathan tulungan mo kami" sabi ko

"Anong Nangyari?" tanong niya

"Mamaya ka na magtanong dalhin muna natin si mama sa hospital" sigaw ko sa kanya

Dali dali niyang binuhat si Mama at pinasok sa kotse niya at pumunta na kami sa hospital

Jusko..kayo na po bahala sa mama ko..wag niyo po muna siyang kuhain kailangan ko pa po siya

ilang minuto rin ang lumipas bago kami makarating sa Hospital

Kinuha na ng mga nurse si Mama at pinasok sa Emergency Room

"Nathan ano ang gagawin ko" hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso...naiiyak na talaga ako

"Jasmine kumalma ka muna ok wag kang iiyak" sabi ni Nathan

"Nathan pano ko pipigilan ang iyak ko mama ko yun Nathan" sabi ko at tuluyan na akong umiyak

napa upo na lang ako at tinakpan ang aking mukha gamit ng dalawang kamay ko

"Jasmine wag ka nang umiyak may cellphone kaba tawagan natin ang mga kamag anak mo" sabi ni Nathan

"Wala akong cellphone si kuya lang ang kamag anak ko dito syaka nasa klase pa si kuya" sabi ko habang humihikbi hikbi

Umiyak lang ako ng umiyak...habang umiiyak ako niyakap ako ni Nathan

"Nathan anong gagawin ko"

"Jasmine tumahan ka muna ok" sabi niya habang hinihimas ang ulo ko hanggang ngayon nakayakap pa rin si Nathan sa akin

Anong sasabihin ko kay Jared...Anong gagawin ko.

ilang oras din ang lumipas bago lumabas and doctor..

lumabas na ang doctor mula sa Emergency room

kumalas muna ako sa pagkakayakap ko kay Nathan at nilapitan ang Doctor

Love EnemyWhere stories live. Discover now