Chapter 42: OG

168 12 1
                                    

Chapter 42: OG
.
.
.
.
.
Jasmine's POV

Ngayon na ang uwi namin sa Manila. Ngayon na rin ang huling pagkikita naming magkakaklase kasi bukas sabado na tapos sa monday start na ng sembreak namin kaya yung iba nilubos na makasama yung mga kaibigan nila kasi yung iba hindi na sasabay pa sa pag uwi namin sa manila uuwi na daw kasi sila sa mga probinsya nila.

"Tss. Ang oa naman ng mga classmate mo Jas parang isang linggo lang magkakahiwalay pero kung magpaalam parang sasakabilang buhay na" saad niya at kumatok

"Ganyan talaga yan simula pa nung grade 7 kami just don't mind them" sagot ko

"Jasmine" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Sir, Bakit po?" Tanong ko

"Jas pasensya na ha hindi ko na kasi kayo maihahatid pa nila Zoe sa Manila kasi didiretso na kami nila ma'am sa Naga" explain ni Sir

"Ok lang po Sir sa bus na lang po kami ng school sasakay tutal mga 20 na lang po ata ang babalik sa Manila. Kaya kasya na po kami don." Sagot ko

"Ahh! Sige kausapin ko na lang yung driver para makabalik kayo ng manila ng ligtas" sabi ni sir at pinuntahan na yung driver.

Sinabi ko kayla Zoe yung sinabi ni sir. Hindi na sila nagreklamo. Mas maganda nga daw yun kasi makakapag ingay sila. Pumunta kami sa mga kwarto namin para ayusin na yung mga gamit namin. Bitin man naging masaya pa rin ako kasi in four years sa high school nakasama ko ang mga classmates ko at mga kaibigan ko sa dalawang araw ng high school life ko.

Hindi man naging maganda ang simula ng HS ko dahil binubully nila ako I'm still happy kasi kahit patapos na ang HS Life ko meron pa rin akong mga bagong kaibigang nakilala.

Dinala na namin ni Zoe sa bus yung mga bag namin tapos naisipan naming puntahan yung mga lalaki. Pagpunta namin ni Zoe sa kwarto nila JP agad na lang may lumipad na unan sa mukha ni Zoe na ikinagulat ko at ikinagalit niya.

"Ugh! Sinong gago ang nagbato sa akin non ha?" Inis na saad ni Zoe. Nagkatinginan na lang ang batikan at napakamot sila ng ulo nila.

"Umm. Si Ivan talaga ang may kasalanan" saad ni Lace

"Hala hindi ako ha si Ranz yun" gulat na saad ni Ivan

"Kapal nito si Ian kaya yun" saad ni Ranz

"Gago si Chad yun" saad ni Ian. Agad kaming napatingin kay Chad na pinagpapawisan na at may hawak pang unan.

"Umm. Ahh! Si --" natigil kaming lahat dahil may biglang lumabas sa pinto ng banyo na may takip pa ng tuwalya sa mukha

"Si JP siya yung nagbato." Agad na sabi ni Chad na ikinagulat ni JP habang pinupunasan ang buhok niya.

Tumingin siya sa amin at itinuro ang sarili niya "Ako?" Tanong niya

"Hindi kami" inis na sagot ni Zoe "Jas let's go baka ma hawaan pa tayo ng mga idiots na yan" sabi niya at tinarayan ang batikan. Napangiti ako at sinundan si Zoe. Lagot sila inaway nila ang unica hija ng mga Sanchez.

Sumakay na kami ni Zoe sa bus nasa bandang harapan kami, ako yung sa tabi ng bintana tapos siya yung katabi ko. Tumingin ako sa kanya. Mukhang badtrip talaga siya. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Toffee sinamahan niya pa kasi si Maricar dun sa gift shop kaya wala pa siya sa bus. Nang matawagan ko si Toffee tumingin muna ako sa bintana at laking gulat ko ng may mga itim na sasakyan ang dumating sa kinororoonan namin.

"Zoe wait lang ha" sabi ko at bumaba muna ng bus.

Pagbaba ko agad kong nakita si Nathan.

"Nathan"

Love EnemyWhere stories live. Discover now