Chapter 47: Dave

97 8 3
                                    

Chapter 47: Dave
.
.
.
.
.
Jasmine's POV

"Hi! I'm Keanna"

Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya

"Hello!.Umm Keanna pwede bang sabihin mo dito sa mga unggoy na body guard mo bitawan ako." Inis kong sabi. Napatawa siya at ngumiti sa akin

"Sorry! Guards you can take off your hands on that dirty woman" saad niya na kinataas ng kilay ko

Ang kapal din pala ng mukha nito makasabi ng dirty kala mo naman kung sinong malinis.Che!

"Thank god binitawan din ako ng mga mababahong taong 'to" sambit ko

"What did you just say?"

"Nothing!" Saad ko at naglakad na. I'm just wasting my time to that very clean woman and to her monkey bodyguards.

"You better know me more Jasmine" rinig kong saad niya kaya agad akong napalingon.

Nakangiti siya ng makahulugan at nakatingin sa akin ng masama. Ano bang problema sa akin nitong babaeng 'to? Hindi ko nga siya lubusang kilala tapos kung makatingin siya sa akin wagas.

Tuluyan na akong umalis at hindi na ako lumingon pa baka kasi agad akong bangungutin sa mga tingin niya.

Pagdating ko sa kanto malapit sa amin agad na lang ako kinabahan ng makita ang napaka pamilyar na sasakyan. Ang sasakyan na pinag awayan namin noon.

Nang makalapit na ako sa gate namin may bigla na lang bumaba sa driver seat ng sasakyan.

"Miss Jasmine!" Bati niya at nag bow sa akin

"Butler Dave!" Bati ko "Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Umm. Binibisita ko lang kayo Miss Jasmine"

"Wag niyo na po akong tawaging Miss. Nga pala po kamusta na si Gray?" tanong ko

"Umm. Ok naman po si Sir Gray"

"Pasok po muna kayo sa loob medyo mainit na rin kasi dito sa labas at pasensiya na po sa amoy ko" Sabi ko at pinapasok na siya sa loob. Amoy isda kasi ako sa ngayon.

Medyo natawa siya pagpasok sa bahay ako din tumawa kahit pilit. ang gulo kasi ng sala kaya yun tumawa siya. Naligo muna ako ng mga 5 minutes para hindi naman nakakahiya kay Dave.

Habang kumukuha ng maiinom napansin kong tinitignan ni Butler Dave yung mga certificates, medals at pictures na naka frame sa dingding pati na rin yung mga trophies na nasa lamesa at mga photoframe.

Pagkalapit ko sa kanya agad siyang nag salita.

"Jasmine, Mama mo ba 'tong kasama mo?" Tanong niya at pinakita sa akin yung isang photoframe.

"Ay! Hindi po si Tita Jayne ko po yan kapatid ng mama ko." Sagot ko

"Asan siya ngayon?" Tanong niya ulit

"Nasa America po siya ngayon kasama ang lola ko engineer po kasi siya roon. Three years ago po kinuhanan yang pictute na yan nag bakasyon po kasi siya rito pero isang buwan lang po.Wala nga pong asawa yan si Tita kasi siya po yung nag aalaga kay lola. Noong baby po ako siya rin po ang nag alaga sa akin hanggang nasisante po si mama sa mansion ng mga Santiago sa Batangas." Sabi ko "Pasensiya po kung ang haba ng sagot ko."

Ngumiti siya at binalik sa ayos yung frame.

"Chef pala ang mama mo."

"Opo tapos po si Papa Seaman. dito po siya naka destinasyon sa Pilipinas noong baby pa ako pero nung six years old na po ako pinalipat po siya sa ibang bansa"

Love EnemyWhere stories live. Discover now