Chapter 43: Story behind the Grave

209 13 2
                                    

Chapter43: Story behind the Grave
.
.
.
.
Jasmine's POV

Nang makarating na kami sa School si JP ang unang bumaba sa sinasakyan naming bus. Mukha ngang galit siya nung umalis siya kaya tinanong ko sila Lace kung may problema ba si JP pero ang sagot nila wala naman daw problema si JP.

Ano kayang problema niya? Ngayon ko lang kasi siya nakitaan ng galit sa mga mata niya.

"Jas. Uy! Bat para namang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Zoe

"Wala. Sige uwi na ako pagod na rin kasi ako." Sagot ko

"Ahh! Ganun ba sige magpahinga ka na ha!" Saad niya

"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko. Ngumiti na lang siya bilang sagot. Haist! Mag mo-mall pa ang gaga.

Bago pa man ako makauwi lumapit muna ako kay Lace kinusap.

"Lace pwede ko bang malaman kung saan nakatira si JP tapos yung mga place niyang pinupuntahan?" tanong ko

"Umm. I text ko na lang sayo yung address. Hindi ko kasi kabisado" saad niya at napakamot sa ulo niya. "Pagwala siya sa bahay nila pwedeng nasa park siya sa loob ng village nila o di kaya sa park malapit sa kanila pwede rin sa HQ ng batikan tapos sa basketball court malapit sa bahay nila tapos sa bar pero alam ko hindi na yun nag babar eh! Tapos sa mga cafè tapos sa..." huminto siya na pinagtaka ko. Nabigla na lang ako ng bigla siyang tumigil at may namuong luha sa kaliwang mata niya.

"Lace tapos?!"

"Ahh! Wala sige uwi na ako baka pagalitan pa ako ng yaya ko. Sige Jasmine" saad niya at biglang tumakbo.

"Lace!" Sigaw ko. Ugh! Nakakainis naman itetext ang address hindi niya nga alam yung number ko eh! Pano niya ako itetext.

Padabog akong naglakad palabas ng gate ng school. Badtrip kasi si Lace eh! Nang makalabas na ako ng gate nabigla na lang ako ng biglang may humintong hingal na hingal na kapre sa harapan ko at humawak pa sa balikat ko at hinahabol ang kanyang hininga.

"Tss. Bat ka bumalik? Don't tell me may nakalimutan ka? Haist! Umuwi ka na baka magalit pa ang yaya mo sayo. Che!" Saad ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. At lumakad

"Jasmine!" Tawag niya na parang bata

"Bakit?" Tanong ko habang nakatalikod sa kanya

"Anong cellphone number mo?"

"Haist!" Lumingon ako at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko "Next time kasi wag kang mag madali" ibinigay ko sa kanya yung cellphone ko para tignan na lang yung number ko tinatamad kasi akong mag dictate.

"Tss. Pwede naman i dictate diba" pagrereklamo niya. Nang tapos niya nang i save ang number ko sa cellphone niya ibinalik niya na sa akin yung phone ko at naglakad na ako palayo sa kanya.

"Jasmine!" Napatigil ako at lumingon sa kanya. Tumingin siya ng seryoso na ikinagulat ko.

"Pag wala siya sa mga lugar na sinabi ko. May tanging isang lugar lang siyang pwedeng puntahan," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Sa cemetery nandon siya." Pagkasabi niya non umalis na siya at ako naiwan pa ring naka tayong nagtataka.

Sa sementeryo? Anong ginagawa niya roon? Alam ko ang parents niya na sa ibang bansa tapos wala naman siyang kapatid. Justine Hernandez sino ka ba talaga?

************
Third Person's POV

Sa lugar kung saan nababalot ng katahimikan ay tahimik na naglalakad ang binatang lalaki patungo sa libingan ng mga taong namatay siyam na taon na ang nakalilipas. Pagpasok niya sa loob ng bahay na libingan agad siyang lumapit sa isa sa mga puntod at tinitigan ito.

Love EnemyWhere stories live. Discover now