Chapter 26 : Contest

381 73 11
                                    

Chapter 26 : Contest

.

.

.

.

Jasmine's POV

Grabe ang bilis ng panahon hindi ko akalain na bukas na pala yung Contest.

Pumunta na ako ng school.nakasalubong ko si Nathan sa gate. Ano kaya ang ginagawa niya don?

"Nathan anong ginagawa mo dito sa gate sinong hinahantay mo" tanong ko

"Ikaw" ako bakit? "Halika na hinahantay ka na nila"

bigla akong hinatak ni Nathan papasok ng campus. Ano ba ang ibig sabihin niya? bakit nila ako hinahantay?

Pumunta kami don sa secret room sa loob ng principal office. pumasok kami pero madilim kumapit ako sa braso niya

"Nathan bat madilim" hindi niya ako sinagot. ano ba ang nangyayari?

Biglang nag bukas yung mga ilaw

"SURPRISE!"

Hala! anong meron bat may surprise. birthday ko ba. oh my hindi ako handa!

"Thank yo—"

"Surprise Nathan" sabi ulit nila

-_-!

Pahiya ako dun ha kala ko para sa akin yung surprise kay Nathan pala. bumitaw ako sa pagkakahawak ko kay Nathan

"Happy 12th Monthsary Cookie" lumapit si Gabby kay Nathan at niyakap ito.lumabas na lang ako kasi nakakahiya naman diba.

1 year na rin pala yung relationship nila kala ko bagong mag jowa lang sila eh!. Kala ko talaga para sa akin yung surprise inexpect ko pa naman yun

Naglakad ako papuntang room pagdating ko don walang tao. siguro lahat ng classmate ko andun sa party na yun. Ano kaya ang pwedeng gawin habang nag iisa?

"Drei, mamaya ha"

hala may paparating. hiniga ko sa table ko yung ulo ko at nag kunyareng natutulog para mas kapanipaniwala naglagay ako ng libro sa ulo ko

"Bukas na pala yung contest no"

"Oo nga eh"

"Ready na ba kayo para bukas"

"Ako oo pero hindi ko alam dito kay Russell kung may natutunan siya"

"Ikaw Gio ready ka na ba bukas"

"I'm always ready for anything"

"Pupunta kaya si Jasmine sa contest"

Hala!

"Sana nga makapunta siya para may inspiration ako"

"Alexander, Andrei kaya niyo naman kahit wala si Jasmine eh!"

tss..kahit hindi ko sila nakikita nakikilala ko pa rin sila sa boses nila. tss.. nakakainis siya

"Guys! nakita niyo ba si Jasmine" rinig kong sigaw ni Nathan

"Hindi bakit?"

"Pinapatawag kasi tayo ng principal andyan kasi yung coordinator ng contest pumunta daw tayo sa faculty room" rinig kong explain ni Nathan

Bigla akong tumayo

"Waaaahhhhhh" sigaw nila. makasigaw kala mo nakakita ng multo

"K-kanina ka pa dyan" nauutal na tanong ni Alexander. tumango ako

Love EnemyWhere stories live. Discover now