Chapter 41: She said Goodbye

158 12 1
                                    

Chapter 41: She said Goodbye
.
.
.
.
Nathan's POV

Pagbangon ko sa higaan agad kong pinuntahan si Jasmine sa clinic pero sabi ng nurse wala na siya roon. Lumabas ako at nakita ko siyang naglalakad habang sinisipa yung maliit na bato.

Mukhang ok na siya nakakalakad na siya 'e at masaya na siya ulit. Babalik na sana ako sa kwarto namin ng bigla niya akong tinawag. Napansin niya pala ako.

"Fardz!" napalingon ako "Good Morning!" She said and smile a sweet smile

"Good Morning!" I answered at lumapit sa kanya "Saan ka nanggaling? Hindi na ba masakit yung tuhod mo?"

Tumingin siya sa tuhod niya at tumango "Ok na naman na yung tuhod ko" she paused and breathe some fresh air "Ang sarap ng simoy ng hangin 'no" tumingin ako sa kanya at tumango "Lance Nathaniel"

Nagulat ako sa sinabi niyang pangalan.Ang tunay na pangalan ko "Saan mo nalaman yung pangalang kasasabi mo lang?" I asked curiously

"Ha! Ahh! Wala naisip ko lang! Ang ganda 'no " She said and smiled. Haist! How did she know?

Umamba akong babatukan ko siya "Sige subukan mo sisigaw ako ng Darna" pananakot niya "Simpleng pangalan lang. Tch."

Pinitik ko ang noo niya at nag crossed arms ako "Ouch!" Daing niya.

"Tss. Kung hindi lang talaga kita kaibigan matagal na kitang pina- salvage" medyo inis ko ng sabi

She chuckle a little "Hindi mo kayang gawin yun  kasi crush mo ko."

Napa nganga na lang ako sa sinabi niya. ang kapal din pala ng mukha ng kaibigan kong ito. "Kadiri ka naman Crush? Sino? ako? In your dreams Jas!"

"Weh! Di nga alam ko namang crush na crush mo ko 'e pinagpapantasyahan mo nga ako lagi. Minsan nga pinagsasama mo yung pangalan ko at apelyido mo. Hayaan mo hindi ko sasabihin kahit kanino na crush mo ako." She smiled and wink at me.

Napangiti na lang ako at napa hawak sa ulo ko sa sinabi niya. Yaist! The wink. Crush! Tss. I will never ever try to have a crush on her but I try to court her. Hehe jk!

Tss. Yabang

"Nathan" tumingin ako sa kanya "Thank You!" Sabi niya at agad akong niyakap.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.The feeling.

"Sige punta muna ako sa room ng mga girls ha!" Sambit niya at umalis na

Tug.tug.tug.tug

Hinawakan ko ang dibdib ko at nagulat sa bilis ng pagtibok ng puso ko. This is my first time!. Ngayon ko lang naranasan na tumibok ang puso ko ng ganto kabilis ng dahil lang sa simpleng yakap. Tss. I really hate this feeling.

Bumalik na ako sa kwarto namin pagdating ko roon lahat sila nagkakagulo

"Asan siya?" Sigaw ni Andrei

"Guys wala naman siya rito sa cr" sabi naman ni Xander

Napakamot na lang ako sa batok ko sa mga sinabi nila. Sino?Ano ba ang hinahanap nila?

Dirediretso lang ako sa pagpasok at pumunta sa kama ko. Kukuhain ko sana yung cellphone ko ng may biglang may humawak sa balikat ko.

"Nathan"

"Bakit?"

"Nakita mo ba si Gio?" Tanong ni Andrei.Napailing na lang ako sa tanong niya."Kanina pa kasi siya wala dito sa kwarto natin wala na rin ang mga gamit niya."

Love EnemyWhere stories live. Discover now