Chapter 50: Sealed with a Kiss

117 8 5
                                    

Chapter 50: Sealed with a Kiss
.
.
.
.
Jasmine's POV

Pumunta ako sa simbahan at nag tirik ng kandila. Mukha kasing hindi na ako makakauwi pa ng probinsya dahil sa mga nangyari sa mga nakaraang araw

Eto na ang ikatlong taong hindi ako nakakapunta sa puntod ni papa kaya pakiramdam ko masama ang loob sa akin ni papa. Baka mamaya multuhin niya na ako.

Bakit naman kasi kung kailan may importante akong gagawin dun nagsusulputan ang mga problema.

"Miss Jasmine"

Agad akong napalingon ng may tumawag sa panagalan ko.

"Butler Dave!"

Lumapit siya sa akin at nag bow. Hindi niya talaga nakakalimutan ang pag bow

"Ano ginagawa niyo rito?" Tanong niya

"Diba dapat ako nagtatanong niyan sayo" saad ko at napangisi na lang siya "Joke lang po. Nagtirik po kasi ako ng kandila para kay papa hindi na po kasi ako makakapunta ng province kasi late na rin po."

"Miss Jasmine pwede ba akong humingi ng pabor sa inyo" deretsyahan niyang sabi

"Anong pabor?"

Agad naging seryoso ang atmosphere naming dalawa.

"Pwede niyo bang kaibiganin si Sir Gio."

"Ano?" Medyo napalakas kong sabi.

Jasmine nasa simbahan ka.

"Miss Jasmine"

"Butler Dave sorry humingi na kayo ng ibang pabor wag lang yun pasensiya na po talaga. Mauuna na po ako."

"Miss Jasmine sandali lang po." Agad niya akong pinigilan sa paglalakad ko. "Miss Jasmine alam kong mahirap yun dahil mag kaaway kayo pero sana naman po give him a chance."

"Butler Dave naman 'e nagmumukhang may gusto na ako sa kanya niyan 'e. Hindi naman po ako mapili sa kaibigan sadyang ayaw ko lang po talagang maging kaibigan si Gio."

"Bakit ayaw mo sa kanya?"

Haist! Kailangan ba talagang sabihin ko sa kanya ang dahilan.

"Kasi...Hmpf...kasi" napahawak na lang ako sa sintido ko dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Pinagpapawisan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Anong isasagot ko?

"Jasmine?"

"Kasi ayaw ko siyang makasama ayaw kong makisalamuha sa kanya dahil sa ugali niya. Pasensiya na po talaga."

Napakagat na lang ako sa ibaba kong labi kasi kung ano ano ang lumalabas sa bunganga ko. Sa puntong 'to gusto kong iuuntog ang ulo ko sa bawat kanto ng upuan. At seryoso ako.

"Pasensiya na Miss Jasmine."

"Wala po yun sige po mauuna na ako." Agad akong lumabas palayo ng simbahan.

Pinapalo ko ang ulo ko habang naglalakad dahil sa katangahang ginawa ko kanina.

Haist! Ang totoo naman kasi ayaw kong maging kaibigan si Gio dahil ayaw kong masaktan si JP. Yun lang no futher explanation.

Sa mall na ako dumerecho at sa Kenny Rogers ko na lang napagbalakan na ma nanghalian first time ko lang kakain dito 'e.

Hindi muna ako uuwi kasi mamaya andun si butler Dave. Baka kulitin niya ako sa favor na gusto niya.

Habang kumakain naisip kong tawagan si Nathan pero subscriber cannot be reach. Ano kaya ginagawa niya?. Si JP na nga lang. Tinawagan ko si JP at nagulat ako ng bigla niyang sinagot

Love EnemyWhere stories live. Discover now