Chapter 5 : Jollibee

648 81 4
                                    

Chapter 5 : Jollibee

Jasmine's POV

"Good morning me .. good morning world" bati ko sa isang magandang umaga

Pagkagising ko nag unat unat muna ako at naligo na pagkatapos bumaba na

"O anak parang ang ganda ng tulog mo ha" bungad na bati ni mama

"Opo napaka ganda at napaka himbing ng tulog ko" masaya kong sagot

"Oh kumain ka na"

Kumain na ako ng isang masarap na umagahan na gawa ng aking magandang mama...

"Ma siguro late na ako uuwi mamaya kasi may part time na po ako" paalam ko kay mama

"O sige mag ingat ka ha"

"Bye ma"

Umalis na ako at pumasok na

Pagdating ko sa school napakatahimik parang wala pang tao..naisipan kong pumunta ng classroom pero wala ring mga tao..

Asan na kaya sila????

Habang naghahanap ako may nakita akong janitor..

"Manong asan po yung mga istudyante" tanong ko

"Nasa auditorium silang lahat" sagot ni manong

"Salamat po"

Ano kaya ang ginagawa nila sa auditorium..

Pumunta na ako ng auditorium..

Pagbukas ko ng pintuan lahat ng tao parang nag sasaya...

"Jasmine" gulat ni Zoe

"Oh Zoe.. bakit andito lahat ng istudyante anong meron" tanong ko na nagtataka

"Jasmine dapat hindi ka na pumasok dapat hinintay mo na lang matapos yung program" natatarantang sabi ni Zoe

"Bakit natataranta ka ano bang meron ha ano bang nangyari"

"Basta halika na lumabas na tayo" pilit niya akong hinahatak palabas

Ano ba talaga ang nangyayari bakit natataranta si Zoe..

Habang papilit pa akong nilalabas ni Zoe biglang tumutok sa amin ni Zoe yung Spotlight....

"Saan kayo pupunta ha hindi pa tapos yung program" sabi nung nasa stage

Hindi ko masyado makita yung mukha kasi nasisilaw ako sa liwanag na nakatutok sa amin

"Jas hayaan mo na yan..halika na"

Hinatak ako ni Zoe palabas ng auditorium at hinatak din niya ako papuntang gate.

"Zoe sabihin mo nga kung ano talaga ang nangyayari" medyo inis kong sabi

"Wala Jas" nag aalingan niyang sagot

Parang may tinatago siya sa akin na ayaw niyang sabihin

"Ok! Oh ngayon saan na tayo pupunta"

"Sa Jollibee"

Nagtaka ako

"Anong gagawin natin don"

"Basta wag kanang magtanong"

Bago kami umalis ng school nagpaalam muna kami kay manong guard at si manong guard naman pinayagan kaming umalis wala naman 1

daw kasing klase may onting program lang kaya pinayagan niya na kaming umalis

Lumarga na kami ni Zoe pumunta na kami sa Jollibee...pagpunta namin don pinaupo niya muna ako at may initsyang bag..

"Jas mag palit ka muna"

Love EnemyWhere stories live. Discover now