Chapter 54: Gone

104 2 0
                                    

Chapter 54: Gone
.
.
.
.

Hinayaan ni Nathan na mabasa ang sarili ng tubig na nagmumula sa shower. Napabuntong hininga siya ng maalala niya ang sabi sa kanya ng dating kasintahan.

" How I wish I can also be that girl but unfortunately, I can never be. Because I'm not her."

Napapikit siya at sinandal ang noo sa pader. Pinatay niya ang shower at minulat na ang kanyang mga mata. Kinuha niya yung tuwalya at binalot ang sarili.

Lumabas siya sa shower room at tinignan ang sarili sa salamin.

Simula ng mapalapit siya kay Jasmine nagsimula na rin ang malabong relasyon nilang dalawa ni Gabby lagi nilang pinagtatalunan ang maliliit na bagay at lagi nilang pinagtatalunan ang lahat ng bagay na tungkol kay Jasmine.

Hanggang humantong sa paghihiwalay ang relasyon nilang dalawa na labag sa loob ni Gabby ang hiwalayan ang taong pinakamamahal niya.

Napahawak si Nathan sa sintido niya at sa mabilis na pangyayari agad niyang sinuntok ang salamin ng banyo niya.

Napaupo siya at napaluha dahil sa masakit na nararamdaman niya.

"Mahal kita Gabby pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Jasmine" Saad niya at lumabas na ng banyo.

..............

Jasmine's POV

Nagulat ako ng bigla kong mabitawan ang mga platong bitbit ko.

"Jasmine!"

Agad lumapit sa akin si mama at kuya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni kuya.

Napabuntong hininga ako at tumango.

"Ayos ka lang ba talaga Jasmine mukhang hindi ka mapalagay simula nung pumunta ka sa playground."

"Nahihilo lang po ako"

Pinulot ko yung bawat piraso ng bubog ng plato nang biglang hawakan ni kuya ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko at nabigla ng makita na may dugo ang kanang kamay ko.

"Jared kuhain mo sa kwarto ko yung first aid kit kumuha ka na rin ng tuwalya." utos ni mama na biglang sinunod ni kuya

Bakit ganon? Bakit hindi ko man naramdaman yung hapdi ng sugat? bakit hindi ko man naramdaman ang sakit?. Ganto na ba ako kamanhid?

Hinugasan ni mama yung sugat ko at pumunta kami sa sala para gamutin ito.

Habang nilinis niya yung sugat ko agad na lang ako napatayo dahil pinisil niya yung sugat ko na dahilan para bumalik sa realidad ang ulirat ko

"Jasmine may problema ba?" Tanong ni mama

"Ok! Lang po ako" walang gana kong sagot

"Lagi ka namang okay kahit hindi ka okay" sabat ni kuya

"Kilala kita Jasmine alam kong may bumabagabag sayo ngayon" saad ni mama

"Wala 'to Ma marami lang talaga akong iniisip. Mga bagay na hindi na dapat isipin." Saad ko at ngumisi

"Ayaw isipin pero iniisip ano kaya yun.Tss" saad ni kuya.

"Sige lang Jared sabat pa" saad ni mama kay kuya

"Oo na ma aalis na nga eh." Saad ni kuya at pumunta sa kwarto niya

Tinitigan ko ang kanang kamay ko na may sugat.

Bakit hanggang ngayon gingambala pa rin ako nung 'oo' na bagay na yun? Bakit?

"Nak, Kanina nga pala may tumawag sa telepono hinahanap ka"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love EnemyWhere stories live. Discover now