Chapter 27 : Friendships

422 78 116
                                    

Chapter 27 : Friendships
.
.
.
.

Sunday na ngayon kaya nasa simbahan ako. Magpapasalamat ako dahil naging matagumpay yung surgery ni Mama at nanalo kami sa ay mali sila lang pala sa Contest. Pagkatapos kong magpasalamat pumunta na ako sa hospital binantayan ko si mama andito dun sa Jared pero inaasikaso niya yung hospital bills ni Mama sabi ko nga ako na lang gagawa nun pero ayaw niya siya daw kasi ang nakakatanda

"Ma tama bang sirain ko ang friendship namin ng dahil lang sa maliit na dahilan" tanong ko kay mama habang hawak yung kamay niya

"Siguro tama rin naman yung gagawin ko diba para rin naman sa akin to. Labag man sa akin na iwasan siya at putulin ang pag kakaibigan namin kailangan ko pa rin gawin para lang makalayo at makaiwas ako sa gulo"

"Anong Gulo?" napatingin ako sa pintuan. hala si Jared

"Anong gulo Jasmine don't tell me nakikipag away ka na"

Tumayo ako at lumapit sa kanya

"Jared, Jared my brother dear hindi ako nakikipag away ok. tapos yung gulo na narinig mo don't mind it" mukhang napaniwala ko naman siya umupo siya sa kabilang side ng kama ni mama ako namn sa kabilang side din

"Sana magising na si mama noh" tumango na ang ako

Makikita mo sa mukha ni jared yung pag kalungkot niya. si Jared kasi ang mama's boy at ako naman ang papa's girl. naalala ko na namn yung dati. haist! jasmine forget about it

"Jas, asan na si Unggoy bat himdi na siya bumibisita dito"

ha sino yun?

"Sino yun? hindi ko kilala yun" pagtataka ko

"Ay sorry yung Nathaniel ba yun or Nathaniel" natawa na lang ako sa sinabi niya

"Sira ka talaga"

"Hindi ako sira noh! Ayos kaya ako" napangiti na lang ulit ako

"Alam kong ayos ka. and fyi hindi po Nathaniel or Unggoy ang pangalan non Nathan po Nathan" napakamot siya sa batok niya

"Nadagdagan lang ng I,E,L"

"Oo na boss" napangisi na lang siya. Sana andito si Papa para kumpleto na kami

----Kinabukasan----

"Grabe kala ko pa naman mabait siya hindi rin pala"

"Inggitera"

"Hindi lang inggitera malandi pa"

"Duh! hindi lang yan perfect package na nga siya sa kalandian"

Pagpasok na pagpasok ko puro batikos na ang natamo ko. ang bilis kumalat non ha iba talaga kapag ang bunganga mo megaphone tapos may lahi ka pang tsismosa.

Hindi ko na lang sila pinansin hinayaan ko na lang sila magsalita ng magsalita ng mga kung ano ano.Palibhasa hindi naman nila alam kung ano talaga ang totoong nangyari

Pagpasok na pagpasok ko sa room pati mga classmate ko ako yung topic. Artista na pala ako ngayon iba na talaga kapag sikat

"Ang lakas din ng loob mo para pumasok pa no" sabi ni Diana

"Bakit? wala ba akong karapatan pumasok" bored kong sabi

"Aba! lumalaban na pala ang freak" napangiwi siya "So hindi ka na pala freak bitch na rin"

Napatawa ako

"Wow! bitch sino ako? tandaan mo kahit kailan hindi ako magiging ikaw dahil magkaiba tayo" sabi ko sa kanya

Love EnemyWhere stories live. Discover now