CHAPTER SEVEN

6.6K 203 2
                                    

Buntong hininga lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong ito.Matapos kasing mag away ni kuya at cindy ay iniwanan na nila kami para maka pag usap.

"So kailan mo balak sabihin sakin ito?"basag niya sa katahimikan.Napataas naman ang kilay ko sa tono ng pananalita niya.

"Excuse me?"taas kilay na tanong ko."Anong ibig mong sabihin?"

"Kailan mo balak sabihin sakin na buntis ka?O my balak ka man lang ba na sabihin sakin?" mariing sabi nito.

"FYI lang ano ngayon ko lang din nalaman na buntis ako at isa pa bskit ka ba nagagalit?"inis na tanong ko.

"Dahil hindi ka nag iingat" mataas ang boses na sabi niya.

"Aba't!Bingi ka ba kasasabi ko lang diba na ngayon ko lang nalaman na buntis ako.At saka bakit galit ka ikaw ba ang tatay nito?"sigaw ko sa kanya.Ngumisi naman siya na lalo kong kina inis

"Bakit hindi ba?"

"H-hindi no"utal na sabi ko.Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Sigurado ka?"sabay dampi ng labi nito.Agad ko naman siyang tinulak.

"Ano ba?Bakit ka ba nanghahalik?"sita ko dito.

"Masamang halikan ang asawa ko?"amuse na sabi nito.

"Sino bang asawa mo?"

"Ikaw"

"Baliw ka ba?Hindi mo ako asawa no adik na to"sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hindi pa nga.pero malapit na"

MY BABIES FATHER IS A *****Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon