Itong chapter na ito ay dedicated kay @torbsAko natawa ako sa comment mo.Salamat sa suporta mo at sa lahat ng bumabasa nito maraming salamat.
Sorry nga pala sa typus tsaka grammar naka phone po kasi ako mahirap pong nag UD pag naka phone.*******
"Galit ka ba?"paulit ulit niyang tanong sa akin.Nagba byahe kami ngayon papuntang condo niya.Habang siya daldal ng daldal ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa labas.
"Galit ka nga?"pangungulit pa rin nito sa akin.
"Hindi ang saya saya ko nga eh"sarkastikong sagot ko.
"Ah!ang ganda mo talaga"
"Pwedi bang manahimik ka na?Kanina ka pa salita ng salita diyan nakakairita na ang boses mo"inis na baling ko sa kanya lalo naman akong na irita ng ngumisi lang ito sa akin.
"So galit ka na niyan?"pang iinis niya ng di ko na mapigilan ang inis ko ay pinaghahampas ko siya sa braso.
"Stop it mababangga tayo"saway nito sa akin agad naman akong tumigil ng sinabi niya iyon.Humalukipkip na lang ako at ipinikit ang mata ko para di na siya magsalita hanggang sa di ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako ng pakiramdam kong parang nakalutang ako.Ng idilat ko ang mga mata ko ay dun ko lang napagtato na buhat niya pala ako.Hindi niya napansin na gising na ako.Patuloy lang siya sa paglalakad.Di narin ako nagreklamo kasi gusto ko rin ang pakiramdam ng mga bisig niyang naka pulupot sa akin ipinikit ko ulit ang mga mata ko at mas isiniksik ang ulo ko sa may bandang kilikili niya.Ang bango niya.Busy ako sa kaka amoy sa kanya ng tumigil siya sa isang pinto at binuksan ito ng isang tauhan ng hotel ng makapasok ay agad itong nag salita.
"Buti hindi na ubos ang amoy ko sa kakasinghit mo"naka ngising sabi nito ng ilapag niya ako sa couch.
"At bakit ko naman gagawin yun?"pagde deny ko.
"Deny pa eh"sabay sundot nito sa tagiliran ko agad naman akong napa tayo dahil sa ginawa niya.
"Itigil mo nga yan"sita ko dito.
"Ang lakas pala ng kiliti mo dito"sabay sundot na naman nito.
"Talaga bang di ka titigil?"sabay hampas ko sa kanya ng unan na agad nitong naiwasan at kumuha din ng unan at hinampas sa akin na agad long ginatihan hanggang namalayan ko na lang na nagtatawanan na kami habang tuloy pa rin sa paghampas sa isa't isa.Di namin namalayan na bumukas ang pinto at magsalita ang tao doon.
"What"s the meaning of this?"
***-***
BINABASA MO ANG
MY BABIES FATHER IS A *****
RomanceSABI nila lahat ng tao may nakatadhana para sayo.Darating daw ito in the right time. Eh pano kung wala ka nang time and worst mag eexpire na ang bahay bata mo. WHAT would you do?