Prologue: Oh Bummer, it's SUMMER!

938 23 2
                                    

This is it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is it. The moment that I've been waiting for! SUUUMMMERR! :D

For the past few months, ang aking allowance ay sinave ko upang makasali sa isang popular SUMMER CAMP. Ang summer camp na ito ay kilalang-kilala sa buong town, kasi ito'y punong-puno ng mga fun activities. And balita ko, meron daw isang popular band ang magtutugtog sa last day ng camp, tapos maraming mga naggwagwapuhang nilalang isa na dun ang CRUSH kong si STEVE LEVINE.

Kasama ko din ang dalawa kong bruhang besties na si Gia at Felisha. Sila ang partners-in-crime ko, at marami na kaming naka-plano sa summer camp namin.

"Ready na ba lahat ng mga gamit mo, Gia?"  tanong ko kay Gia sa telepono.

"Morlissa Moreen Santiago, halika didto." sabi ng Papa ko sa ibaba.

"Uh, wait muna Bestie. Tinatawag ako ng Papa ko, I'll call you later."

I-nend ko ang call at agad akong bumaba upang pumunta kay Papa.

"Yes, pa?" sabi ko nang pumunta na ako sa kusina kung nasaan nakaupo din si Mama.

Tumayo at may pinakitang papel si Papa sa'kin, ang kanyang mukha ay sobrang seryoso. Kulang na lang kantahin ko siya ng isang malungkot na kanta upang magmukha na siyang nagluluksa dahil sa sobrang seryoso nito.

"Nakita na namin ang grades mo." sabi niya.

Uh-oh. Bummer.

Napalunok ako sa kaba nang narinig ko 'yun.

"S-so, how was it?" tanong ko.

Pinakita ni Papa ang card ko at nakita ko ang mga nagtataasang grades ko sa mathematics. Oh,crud.  F which means bagsak ako.

"Morlissa Moreen Santiago, you are GROUNDED. Hindi ka na sasama sa SUMMER CAMP na iyan, kundi pupunta ka at magspespend ng summer sa Tita Melissa mo!" seryosong sagot ni Papa.

Nagulat ako at napasagot; "What?! Pero, Papa nagbayad na po ako ng expenses dun at hindi sila tumatanggap ng refund!"

"Then si Mimi na lang pupunta 'dun. She deserves it than you, mabuti pa si Mimi kasi puro A+ ang kanyang mga grades." malamig niyang sinabi sa'kin.

"P-pero pera ko 'yun! And would you please stop comparing me to her."

"You're leaving first thing in the morning! NO BUTS! This is my punishment to you." galit na sabi ni Papa.

"Papa. . " sabi ko habang humihikbing umiiyak.

Hindi nakinig si Papa at umakyat papunta sa kwarto niya. Napaiyak ako dahil sa sobrang dissapointment. Lumapit si Mama sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Anak, ibabalik ko na lang ang perang ginastos mo sa SUMMER CAMP na iyon at - -"

Humiwalay ako sa yakap niya at tumakbo ako papunta sa kwarto ko upang magluksa.

Ang unfair naman. Ipinaghanda ko pa naman ang SUMMER CAMP na iyon, marami na akong mga plano, marami na din kaming gagawin. Ba't ba kasi nabagsak ako sa lesheng Math na 'yan eh! Urgghh. Ba't pa kasi napaka-PERFECTIONIST ni Papa?! Hindi ko naman kasalanan kung hindi ko talaga kaya ang math.

May biglang kumatok sa pintuan ko, pero hindi ako sumagot. Agad kong binalot ng kumot ang buong katawan ko nang pumasok si Mama sa kwarto. Crud, nakalimutan kong mag-lock ng pinto.

"Momo, anak. May package palang pinadala ang tita mo para sa'yo. Dito ko na lang ilalagay sa desk mo ha." sabi niya.

Naramdaman kong may nilagay siyang malaking kahon sa ibabaw ng desk ko na malapit lamang sa aking kama.

Umalis si mama at agad akong bumangon upang tignan ang package.

TO: My Beloved Niece, MOMO.

FROM: Aunt Melissa Vasquez

Psh. Ilang taon ko siyang hindi nakita tapos bigla nalang niya akong bibigyan ng package? Weird.

Binuksan ko ang package at nakita ko ang isang envelope, binuksan ko ito at binasa.

Dearest Momo;

                        Kumusta na ang paborito kong pamangkin?  Mas gumaganda ka na ba? Sinabi ng Mama mo sa'kin na dito ka daw muna maninirahan sa buong SUMMER. Alam kong nagtataka ka kung ba't ngayon lang ako nagparamdam sa inyo, pero maiintindihan mo rin kapag nandito kana. Marami akong gustong ikwento sa'yo at marami din akong gustong malaman tungkol sa'yo. I'm looking forward of your arrival here, Momo. Don't you worry we're going to have  so much fun here in STERMONVILLE.

Hugs and kisses;

Aunt Melissa

P.S- I also have a little present for you, dear. It's something to write on. ;)

StermonVille? Where the hell is that place? Nang nabasa ko ang kanyang P.S note sa ibaba, tinignan ko ang loob ng box. At nakita ko ang isang leather bound na libro na walang sulat, ito'y kulay light-green tapos napaka-antique tignan. Isa ba itong DIARY?

Whoaa, never pa akong nagkaroon ng diary before. Teka? Ba't ba niya ako niregaluhan ng ganito? Di naman ako mahilig magsulat ng- - Hmm, well there's no harm in trying, I guess.

Binuksan ko ang diary at nakita ko ang front page na may nakasulat.

         This DIARY belongs to:

___________________________

Kinuha ko ang ballpen at nagsimulang magsulat ng aking pangalan.


         This DIARY belongs to:

                    M O M O

-------------------------------------------



Now what? Oh right.

Nagsimula akong nagsulat sa next page, katulad nang nakikita ko sa mga pelikula sinulat ko ang petsa ngayon at nagsimulang magsulat ng 'Dear Diary'.

_________________________________________________________________

Dear Diary;

Today's the first day that I've ever wrote in a book to write about my daily life. Ang corny naman nito. Anyway, my life is at risk right now. Ang buong summer ko ay magiging impyerno dahil imbis na pumunta ako sa kinaaasam-asam kong SUMMER CAMP, ay pupunta ako sa isang lugar na hindi ko pa narinig sa buongbuhay ko. Stermonville? Really? Where the hell is that place? And you know why I'm stuck there? It's because it's my punishment for being a slacker in MATH. Leshe talaga 'yung MATH na 'yun. -___-

I don't know pero naiinis ako! Urgh! Why did I end up like this?! Ano bang kasalanan ko upang parusahan ng ganito?! It's not that I blame God or something pero WHY?! WHY ME?!

xoxo MOMO.

____________________________________________________________

Teka? Hmm. Parang gumaan ang pakiramdam ko ha nang sinulat ko lahat ng masasamang loob ko. Wow. Kaya pala maraming mahilig magsulat  sa DIARY kasi nakakagaan ng loob. I like it.

Hay, I just hope this was just a dream.

-END of PROLOGUE

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon