Sixth Entry: MonsterVille Summer High School

226 9 3
                                    

Dear Diary;

Ano bang dapat kong itanong kina Tita't Tito? Hindi ko kasi alam kung alin sa mga katanungan ang itatanong ko sa kanila. I think 100 plus 'yung nakatabak na katanungan na nasa isip ko, pero . . . .

P.S- Bahala na si Batman, itatanong ko na lang kung anong lalabas sa bibig kong katanungan.

xoxo M O M O

_______________________________________________________________

Alam niyo ba ang feeling na unang pag-gising mo pa lang ay hindi mo alam kung paano rereact sa sinabi ng Tita mo, ang sabi niya ay; "Momo, masaya ako na pumayag ka na pumasok sa MonsterVille Summer High School! Ang saya-saya ko!"

Idinilat ko ang aking mga mata kung totoo ba ang nakikita at naririnig ko. Did she just said PAPASOK AKO SA MONSTERVILLE SUMMER HIGH SCHOOL? Teka- - kalian ko sinabi na. . .

"Yo, Momo!"

Napalingon ako at nakita si Kiro na nakaupo sa sofa habang kumakain ng chips.  Nagkatinginan ang aming mga mata. Tumingin ako hanggang ulo't paa niya at napamangha sa kanyang kasuotan.

Nakasuot siya ng red and black striped long sleeves polo at ang undershirt niya ay isang t-shirt na VANS. Wow, sosyal naman nito. Tapos naka-tattered jeans siya at pinares ng isang VANS BURGER SK8HI REISSUES na shoes! Teka, Ito 'yung sapatos na gusto kong bilhin! Vans boy ba 'tong si Kiro?


Inalis ko ang tingin ko sa kanyang sapatos at tumingin ng maigi sa kanya.


"Teka, ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Tita sa'kin at sabi; "Nandito si Kiro upang samahan kang magpa-enroll sa Monst. High, at siya din ang nagsabi na pumayag kang mag-aral 'dun."

Nanlaki ang aking mga mata at pinilit na inalala ang sinabi ni Tita. Pumayag ako? Kailan?

Habang inaalala ko ang lahat, si Tita ay pumunta sa kusina at naghanda ng almusal. Si Kiro naman ay abala sa pagbabasa ng isang magazine na may mga weird writings na hindi ko maintindihan.

"Oo na! Papasok na ako!"

Napapahid ako sa'king mukha at napakutya. Cheese and Sprinkles. Naalala ko na. Kagabi ko sinabi kay Kiro iyon. Note to self, Momo. HUWAG KANG PUMAYAG KUNG AYAW MO NAMAN.

"Urgh, ano ba 'tong pinagsasabi ko!" bulong kong sinabi.

Biglang tumayo si Kiro at lumapit sa'kin.

"May problema ba, Momo?" tanong niya sa'kin.

"Oo. May Malaki akong problema." sabi ko.

"T-talaga? Teka, ano 'yun? Baka may itutulong ako." nag-aalalang sabi niya.

Napatingin ako ng maigi at hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya.

"ANG PROBLEMA KO AY PUMASOK NG MONSTERVILLE HIGH!" Sabi ko sa kanya.

Mga ilang segundo ay napatahimik siya, pero agad siyang ngumiti ng hanggang tenga at inakbayan ako.

"Hahaha, akala ko kung ano. Huwag kang mag-aalala, Momo. Nandito naman kami ni Lucas upang samahan ka. Magiging kaklase tayo, noh! Kaya huwag kang mag-aalala." masaya niyang sabi.

Inalis ko ang kanyang braso sa balikat ko at sabi; "Kiro, hindi lang 'yun ang inaalala ko. Ang inaalala ko ay- -"

Bago pa ako matapos sa aking pagsasalita ay biglang pumasok si Tito Morphice sa silid at sinalubungan ako ng nakakamatay niyang ngiti.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon