Fourth Entry: Uncle Morphice

252 14 0
                                    

Recap: Nalaman ni Momo ang tungkol sa SEKRETO NG STERMONVILLE or should I say, MONSTERVILLE.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Dear Diary;

Has it ever occured to anyone that this current situation I'm getting into is seriously ridiculous and unbelievably silly? Imagine, after getting moved in, into an isolated place without my parents knowing that I'm living in a sanctuary place of MONSTERS! I REPEAT M-O-N-S-T-E-R-S!!!

P.S- This is the end, I tell you! THE END OF ME!

xoxo M O M O

___________________

Matapos akong sumigaw sa harapan ng mga taong 'yun (or halimaw ) ay agad akong tumakbo patungo sa kwarto ko.

Ngunit natigil ako nang may isang lalakeng nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto ko.

Hindi naman siya mukhang halimaw. Kundi mukha siyang Model ng isang sikat na Clothing Apparel like GUESS, MARKS & SPENCER at etc.

Matatangos ang kanyang ilong, mukhang foreigner kasi kulay blonde ang buhok niya (na muntik ko nang magkamalan na kulay ginto dahil sa pagkaganda na pagka-blonde nito), mga kulay asul na mga mata at perpektong body physique.

"Hi, you must be my pamangkin-in-law ! I'm your Uncle Morphice, Momo! And welcome to StermonVille!" Sabi ng model na lalake na may nakakapatay na ngiti.

Napating lang ako sa kanya habang nagsisink in ang mga sinabi niya sa'kin.

Teka- -did he just say pamangkin? As in PAMANGKIN? IBIG SABIHIN NITO AY SIYA SI MAYOR M?! ANG MAYOR NG STERMONVILLE AT ASAWA NG TITA KO?!

"IKAW SI MAYOR M?!" sigaw ko sa kanya na may halong pagtataka at gulat.

Sino ba ang hindi magugulat na ang Mayor ng MonsterVille ay magkasing-gwapo ni David Beckham?! Well, mas gwapo pa pala. At naka-jackpot pa talaga si Tita ng ganito ka gwapo. Wait. Baka isa siyang halimaw na nagbabalat-kayo!

Bago pa man ako makapagsalita ay may tumapik sa likod ko at binigyan ako ng isang maamong ngiti. Kanina lang pala na nasa likod ko si Tita Melissa.

"Momo, kailangan nating mag-usap." Sabi niya. At ang tono ng kanyang boses ay may pinaghalong lambing at pagmamakaawa kaya wala akong nagawa kundi tumango at sumunod sa kanya.

_ _ _ _ _ _

"Wait- - Hold up, Rewind! Kung sinasabi niyong mga halimaw ang nasa kabilang silid ngayon. . . Ibig bang sabihin 'nun ay kasali ka din? Isa ka din halimaw?" Tanong ko kay Tita habang tinuturo siya.

"Wait, Momo hindi naman- -"

Napatakip ako sa aking bibig dahil may nadatnan ako!

"OMG! KUNG ISA KANG HALIMAW, IBIG BANG SABIHIN HALIMAW SI MAMA AT HALIMAW DIN AKO?! OMAYGASSH!"

"Hindi, Momo. Nagkakamali ka. Tao tayo. Tao ang Mama mo at Tao ka. Ako lang ang hindi dahil. . ."

Ang ngiti ni Tita ay biglang naging malungkot at dahan-dahan siyang huminga ng malilim bago pa niya pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

". . Matagal na akong patay."

"What? Matagal ka nang . . . Patay? Ibig sabihin isa kang. ." Hindi ko na pinatapos ang sarili ko kasi baka mamatay pa ako sa takot at nerbyos.

Ghost. Kaluluwa. Espirito.

"Momo, kaya hindi ako nakapag-contact at nakapag-pasyal sa inyo ng mahabang panahon ito'y dahil isa na akong kaluluwang nakakulong sa StermonVille. Ang lugar kasi na ito ay ang gitnang lagusan patungo sa langit at sa mundo ng naalala."

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon