Twenty Third Entry: Tumakas sa StermonVille

80 4 4
                                    



"Aalis tayo ng Stermonville."

Hindi ko maintindihan kung ba't sinabi iyon ni Ronnie, pero ang katanungan ko'y paano niya nawalang bisa ang sumpa niya? At kailan niya nagawa ito?

"Momo, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Kiro.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nagsimulang mag-impake para sa aming misyon mamaya. Kinuwento ko kay Kiro ang lahat at sinabi ko sa kanya na kailangan kong sumama. Siyempre, hindi siya sumang-ayon.

"Look, Kiro. Sinabi ko lang ito sa'yo para merong magtago o mag-cover up sa'ming misyon kay Tito at sa ibang nilalang na maghahanap sa'min. Kailangan ko ng tulong mo, at wala na akong makapagkakatiwalaan kundi ikaw. PLEASE." Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya ng maigi pero hindi niya pinansin ang aking mga tingin.

"Hindi pwede, gusto kong sumama. At isa pa, kung kasama mo ang mga kaklase mo, hindi kayo makakalabas sa barrier dahil wala kayong- -" napahinto siya at biglang sumaya na para bang meron siyang nadatnan.

"- - TAMA! Hindi kayo makakalabas sa Stermonville dahil wala kayong Golden I.D! Ang makakalabas-pasok lamang sa barrier ay ang mga nilalang na merong gintong I.D! Pwes paano ba 'yan? Hindi kayo makakalabas!" sabi niya na merong tawa.

Napasimangot ako, hindi ko inakala na ganun pala kahigpit ang seguridad ng lugar na ito.

"Well, pwede ko bang hiramin ang sa iyo?" pakiusap ko kay Kiro.

"Hindi."

"KIRO! Sige na, kailangan ko ng tulong mo. Kailangan naming malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, hindi mo ba naiintindihan na ginagawa namin ito para sa kaligtasan ng lahat?" paliwanag ko sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang baba at nakatingin ng maigi sa'kin; "Kaligtasan ng lahat? Hindi ba sinabi ng mga kaklase mo na ang kaligtasan ng lahat ay trabaho ng unang seksyon? Which is kaming mga napabilang sa Ginintuang Lupa. Momo, huwag niyo nang ipahamak ang inyong sarili. Hayaan niyo na kami ang mag-iimbistiga ng lahat ng ito."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nagsalita siya ulit, pero this time ang tono ng kanyang boses ay seryoso.

"Pakiusap huwag mong ipahamak ang iyong sarili."

"Anong ibig mong sabihin na trabaho ng unang baitang ang lahat?" tanong ko sa kanya.

"Mukhang nakalimutan yata naming sabihin sa'yo na may mga BAWAL at DI BAWAL ang lugar na ito. Unang-una sa lahat, hindi pwede makalabas ang mga Level D dahil wala silang sapat na lakas upang protektahan ang kanilang mga sarili sa kapahamakan sa labas. At isa pa, kapakanan lamang ng nakatira sa StermonVille ang iniisip ng mga patakaran."

Hindi ako makasagot sa kanyang sinabi dahil unang-una sa lahat, hindi ko alam na trabaho pala ng unang baitang ang mag-imbistiga ng lahat ng ito. Pangalawa, hindi ako na-orient na kinakailangan ng gintong I.D para makalabas sa lugar na ito. At pangatlo, ang plano na ginawa namin ay maraming mali at para bang hindi tama ang lahat ng ito.

Inalis ni Kiro ang kanyang hawak at napaupo sa upuan na malapit sa kanya, ako naman ay nakatulala at nag-iisip.

"Pero kailangan naming tulungan si Sireno, dahil kung hindi baka ano pang mangyari." Bulong ko.

"Kung gusto mo talaga silang tulungan, pwes isama niyo ako sa misyon na iyan at ipapangako ko sa inyo na tutulungan ko kayong makalabas ng Stermonville." Sabi ni Kiro.

"At isa pa, wala kayong kaalam-alam kung paano makapunta sa lugar nila Sireno at wala din kayong sasakyan papunta doon."

_ _ _ _ _ _

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon