Twentieth Entry: Ang Syokoy Na Hindi Marunong Lumangoy

133 7 1
                                    


Napatingin sa'kin si MB na may malungkot na ngiti at sabi; "Funny, Ganun din ang sinabi ni Ina sa'kin."

"Pero totoo naman talaga- -"

Hindi ako pinatapos ni MB sa pagsasalita dahil bigla siyang tumayo at binago ang usapan.

"Woooh! Mukhang natagalan yata ang pagkwentuhan natin. Tignan mo oh, nagsisimula na ang 'Mock Play'." Sabi niya habang tinuturo niya ang mga estudyante na nagpupulong sa hilagang direksyon namin. Nakita ko sina Judy na pumasok sa Gym kasama ang ibang kaklase namin, tapos nakita ko din sina Kiro't Lucas kasama ang kanilang kaklase.

"Teka, ano kaya ang event na i-prapraktis nila ngayon?" tanong ni MB sa kanyang sarili.

"Anong ibig mong sabihin na event na i-prapraktis?" tanong ko sa kanya.

"Every 'Mock Play' kasi merong dalawang events na gagawin nilang pag-eensayo sa mga manlalaro. And katulad nang 'Capture the Flag' magbabagong-anyo ang buong Gym para sa event na mangyayari." Paliwanag ni MB.

Napatango ako sa kanya at sabi; "So, ibig mong sabihin nagprapraktis sila sa pakikipagtunggali sa ibang seksyon?"

Napatango si MB at itinaas ang thumb finger niya, isang sinyales na tama ako.

"Tara, bumaba na tayo. Mukhang hinahanap na tayo nina Judy." Sabi niy MB sa'kin.

Sumunod ako sa kanya pababa ng bleachers, at habang naglalakad kami pababa ay gusto ko sana siyang kumustahin matapos niyang sinabi ang kwento niya pero mukhang ayaw na niya itong pag-usapan pero . . . hay, di bale na nga.

"Momo!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses na tumawag sa'kin, at ang nakita ko kaagad ay ang masayahing mukha ni Kiro.

Bigla akong niyakap ni Kiro ng mahigpit at sabi niya; "Ayos ka na ba? Sasali ka ba sa Mock Play ngayon?"

Napahiwalay siya sa pagyakap sa'kin at hinintay ang aking sagot. Ngumiti ako kay Kiro at umiling.

"Mukhang hindi muna ako makakasali kasi hindi ko pa alam kung anong sasalihan kong event."

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun- -"

"Ahem."

Napatingin kami ni Kiro kay MB na kanina lang pala na nakikinig sa'ming usapan. Akala ko wala na siya, pero mukhang hinintay niya pala ako.

"Ah Kiro, ito pala si Melbourne kaklase ko." Sabi ko kay Kiro habang tinuro ko si MB.

Tapos napatingin ako kay MB at pinakilala si Kiro; "MB, si Kiroshima Lee nga pala. Kaibigan ko."

Nakipaghandshake silang dalawa at napangiti ako dahil mukhang maging close sila. Nakangiting nakipaghandshake si Kiro kay MB habang si MB naman ay blanko at walang ekspresyon.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Melbourne." Sabi ni Kiro.

"Ako din." Sagot niya.

Nabaling ang tingin ni MB sa court at tinuro ang mga kasamahan namin. Napatingin din kami ni Kiro kaya't nakita ko sina Veronica at iba ko pang kaklase.

"Mukhang magsisimula na." sabi ni MB.

"Yeah, ang balita ko'y Swimming Race ang unang laro. Sinong representative ninyo?" tanong ni Kiro kay MB.

See? Basta mga lalake talaga ay madaling magkasunduan.

"Hmm, hindi pa sinabi ng Class President sa'min. Sa inyo?"

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon