Seventeenth Entry: Ang Unang Kasagutan

246 8 8
                                    

Ugh, great. Alam niyo ba 'yung feeling na nanakit ang buong katawan mo dahil sa sobrang laro? Hindi mo inakala na ganun pala ka-intense 'yung P.E Classes nila. Tapos 'yung feeling na dinadasal ng iyong sarili na sana hindi 'yun isang panaginip lamang? Alam kong sa nakaraang araw at oras ay palagi kong sinasabi na sana panagip lang ang lahat ng ito o di kaya'y isang bangungot, pero matapos 'nung nangyari sa 'Capture the Flag' may nadatnan ako.

Nadatnan ko na bilang isang tao, kailangan kong ipakita at ipadama sa mga halimaw na hindi lahat ng mga TAO ay masasama. Kailangan kong ipakita sa kanila na possibleng maging kaibigan ang isang tao at isang halimaw. Kailangan kong ipakita sa kanila na ang mga TAO at HALIMAW ay pwedeng magkasundo kahit sila'y kakaiba. Alam kong hindi ko kayang ihilom ang sugat na natamo nila dahil sa pagtiwala ng mga TAO noon, pero at least kaya kong gumawa ng panibagong alaala at relasyon sa kanilang buhay upang maisip din nila na meron ding mga TAO na kaya silang tanggapin maging sino man sila. I guess nagmumukhang GOAL ko na ito nang nadatnan ko ang lahat.

Baka ito nga dahilan kung ba't pinapunta nila ako Tito dito. Baka ang tanging gusto lamang niya ay ipakita sa mga halimaw na pwede na silang magtiwala ng mga nilalang na katulad ko at ganun na din ang mga TAO.

Nagising ako sa isang silid na hindi ko alam. Tapos ay naramdaman ko ang sakit sa bawat parte ng aking katawan at hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagbanggit kung saan ang masakit.

"Momo!"

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang nagaalalang mukha ni Tito Morphice. Nang nakita niya akong gising ay agad niya akong niyakap ng mahigpit na para bang wala nang bukas.

"T-Tito? Nasaan ako? Tapos na ba ang Capture the Flag?"

Napatingin ako sa paligid habang nagsasalita si Tito ng kung anu-ano. Napansin ko na nasa isang clinic ako at ang aking mga sugat ay naka-bandage na. Sa tingin ko nasugatan ako nung natumba at tinulak ako ni Veronica. Pero ayos lang 'yun, malayo naman ito sa bituka.

Teka, si VERONICA?!

"Tito, nasaan si Vero- -"

Napatigil ako sa pagsasalita nang nakita ko si Veronica na pumasok sa silid. Nakangiti siyang lumapit sa'kin at sabi sa isipan ko; 'Momo!'

"Veronica!"

Agad akong bumangon at tumakbo patungo kay Veronica. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa saya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero sobrang saya ko lang talaga na makitang ligtas siya.

"Ahem."

Napabitaw ako sa pagyakap ni Veronica nang nakita ko sila Kiro at Lucas sa likod niya. Meron silang dala-dalang mga pagkain at mga damit ko. Napangiti ako sa kanila at sabi;

"Ay, nandito din pala kayo?" halong-biro kong sinabi sa kanila na may kaloko-lokong ngiti sa'king mukha.

"Ouch, Momo. Ganyan lang ba ang matatanggap namin sa'yo? Wala bang yakap katulad ni Ronnie?" biro ni Kiro.

Umaktong yayakap si Kiro sa'kin pero biglang pumagitna si Tito sa'ming dalawa at napaatras si Kiro.

"Sa'kin ka na lang yumakap, Kiro." Sabi ni Tito.

Napakamot si Kiro sa kanyang ulo at sumagot; "Hehehe, kain nalang po tayo, Mayor."

Napahalkhak kaming lahat sa kanila ni Tito, maliban kay Veronica na merong blankong ekspresyon. She's still the same, though. Pero konting push na lang ay baka magiging masiyahin na siya!

Ibinigay ni Lucas sa'kin ang aking mga damit at umupo kaming lahat sa isang sofa sa gitna ng clinic. Naghanda sila Kiro't Lucas ng mga sari-saring mga pagkain kaya't nagsalo-salo kami. Habang kumakain kami ay kinuwento ko sa kanila ang lahat na nangyari sa unang klase ko, at napamangha silang lahat sa mga kwentong ibinahagi ko sa kanila.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon