Fifteenth Entry: Makuha ang Bandila!

170 9 3
                                    


Dear Diary;

Telepathy is that what you call this? Or is it Empathy? Anyway, na-crecreep out na ako sa boses na nasa aking utak. I mean, sino ba ang hindi makikilabutan sa bawat tanong at salita mong sinasabi ay may sumasagot sa'kin. And worst of all, hindi mo kilala ang nagsasalita. Omyghad, ano na naman bang nangyayari ngayon? Kailan ba titigil ang mga surpresang dumadating sa SUMMER ko?!

P.S- So, kailangan ko palang manatiling gising hanggang dumating ng umaga para sa unang kasagutan.

xoxo M O M O

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

'Teka, SINO KA BA?! Paano ka nakikipag-usap sa'king isipan?! Isa ka bang kaluluwa na na-trap sa loob ng katawan ko?!'

'It's better that you don't know me.' Sagot nito.

Napalingon-lingon ako kasi baka nasa paligid ko lang siya, pero sa kasamaang palad ay wala akong nakikita kundi ang mga kaklase kong abala sa kani-kanilang mga gawain.

'Anong it's better not to know you?! MAS MAGANDA NA MAKILALA KITA, DAHIL NAKIKILABUTAN AKO NA MERONG BOSES NA NAGSASALITA SA ISIPAN KO AT HINDI KO PA ITO KILALA.' Reklamo ko.

'I see. .'

Sa tono ng kanyang pananalita ay parang nalulungkot siya sa aking sinabi. Wait, mali ba 'yung pagkasabi ko? Nasaktan ko ba ang damdamin niya?

'. . .mukhang mas maganda siguro na hindi na lang ako magsasalita ulit sa'yo.' malungkot na dagdag na sabi ng boses.

"HINDI! HUWAG KA MUNANG UMALIS!"

Oops. Fudge and Biscuits.

Napatingin na naman ang lahat sa'kin na para bang natubuan ako ng isang ulo. Well, hindi ko naman sila masisi sa pamamaraan nila sa pagtingin sa'kin kasi sumigaw na naman ako ng malakas.

"Pasensya na." sabi ko sa kanila.

Nagsitinginan pa rin sila sa'kin habang merong binubulong sa kani-kanilang katabi. Tapos meron dalawang nilalang na lumapit sa'kin, 'yung dalawang babae na mukhang normal. Akala ko ay pagagalitan nila ako sa pagiging pagka weirdo ko pero nagkamali pala ako.

"Hi, ako nga pala si Maria Santa." Sabin g isang babae na merong maikling buhok, inalok niya ang kanyang kamay sa'kin.

Ngumiti ako pabalik sa kanya at nakipaghandshake. Yay, meron palang mababait na mga nilalang katulad nila. Ngayon naman ay nakipaghandshake ang isang babae na merong mahabang buhok na hanggang bewang at sabay sabi sa'kin; "Hello, ako naman si Anna Clara Ramos! Isa pala akong TAO noon, just call me CLARA!"

Noon? Ibig sabihin isa siyang KALULUWA?

Medyo nagulat ako nang sinabi niya 'yun, so ibig sabihin isa siyang kaluluwa? Pero ba't nahahawakan ko siya?

Napatitig ako sa aming mga kamay na nagkahawak at napansin niya ang pagtitig ko kaya inalis niya ang kanyang kamay.

Nakangiti pa rin siya sa'kin at napahawak siya sa kanyang baba.

"Hmm, mukhang nagtataka ka siguro kung ba't isang kaluluwang katulad ko ay nahawakan mo." Sabi niya.

"Y-Yeah, Sorry."

Nag-sorry ako kasi parang medyo personal 'yung ginawa ko sa kanya. I mean, I think she misses to be alive. Or maybe?

"Ano ka ba, ba't ka humihingi ng paumanhin? Maliit na bagay lang 'yun noh." Sabi niya na may matamis na ngiti.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon