Tenth Entry: Si Coco

216 8 2
                                    


Dear Diary;

Habang hinahabol ko ang pusa ay may napansin ako sa gubat. Ako lang ba o parang gumagalaw 'yung mga sanga sa puno? Kasi medyo napapansin ko na kapag dinaanan namin ito ay parang sumusunod 'yung paggalaw ng sanga sa direksyon na dinaanan naming at para bang ito'y nabubuhay. At dahil dito nagsisi na ako kung ba't pa ako sumunod sa pusang ito!

P.S- Huhuhuhu, nagsisi na ako DIARY!! Tulooooong. (T___T)

xoxo M O M O

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Mga ilang kilometro na kaming naglalakad pero hindi pa rin tumitigil ang pusang ito. At dahil sa kabaliwan ko, tinatanong ko ito habang naglalakad kami.

"Oy neko, saan ba tayo pupunta ha? Kanina pa tayo nandito pero parang wala kang destinasyon eh." Sabi ko.

"Meow." Sagot nito.

Great. Ano bang inexpect mo, Momo? Magsasalita ang isang itim na pusa sa'yo? Psh.

Umupo ako sa ilalim ng isang pine tree at biglang lumapit ang pusa sa'kin. Katulad 'nung kanina, hinihila nito ang pantalon ko at pilit niya akong sumunod sa kanya.

"Teka lang muna ha, magpapahinga muna ako kasi kanina pa ako naghihingalo." Sabi ko nito.

"Meow, meow, meow!"

Hindi pa rin siya tumigil sa paghihila sa'kin at para bang desperado siyang ipapunta ako sa lugar na pupuntahan niya. Kaya wala akong nagawa kundi tumayo at sundan ulit siya.

"Okay, heto na. Tatayo na ako at tumayo nako." Sabi ko nito.

Agad naman itong tumakbo sa hilaga, kaya agad din akong humabol nito. Kahit anong tawag ko sa pusa at pakiusap nito na pwede bang hinay-hinay lamang siya sa pagtakbo, ay hindi pa rin siya nakinig. Well, what do you expect Morlissa Moreen? Isang pusa na makakaintindi sa mga sinasabi mo?

Napahinto siya sa harap ng isang madilim na kweba, at napakutya ako nang hinintay ako ng pusa. Wow, sa unang pagkakataon ay hinintay niya ako.

"Okay, neko. Salamat sa paghihintay sa'kin." Sabi ko ulit nito.

"Meow."

I guessed he/she said; "You're Welcome, human."

Bigla siyang tumayo at dahan-dahang lumakad patungo sa madilim na kweba.

"Wait, hold on! Papasok tayo dito?! Seriously?" sabi ko ulit sa nilalang na unti-unting nawawala sa kadiliman ng kweba.

"Meow. Meow. Meow. Meow." Sabi ng pusa na nasa kweba na. Nag-echo ang kanyang munting 'Meow'.

Translation? Well, I think he/she said; "Halika na, duwag!"

Dahil huli na na bumalik ako sa mansion at dahil din huli na rin ang lahat, matapang akong sumunod sa yapak ng maliit na pusa. Habang naglalakad ako papasok ng kweba, may nakita akong ilaw sa dulo nito. I can see an end to this cave, mukhang may nakatakip nito. Sinundan ko ang tinig ng pusa at ito'y patungo sa ilaw na nakikita ko. Ang ilaw ay nakakasilaw nang nakarating kami sa dulo nito. Nang idinilat ko ang aking mga mata, ang panga ko ay nalalag sa gulat at pagmangha. Nagulat ako nang nakita ko ang isang field ng bulaklak at mga burol sa bawat direksyon, merong malalaking burol at maliliit. Tapos ang bawat burol ay punong-puno ng mga bulaklak.

"Meow."

Natigil ang aking pagmangha sa paligid dahil may biglang humila sa patalon ko. Hindi na ako nagulat nang nakita ko ang itim na pusa ang humihila sa'kin, sinundan ko ito at patuloy kong minamasid ang tanawin. Ang mga ulap at ang asul na langit ay talagang nakakamangha, lalong-lalo na't lumaki ako sa syudad simula pa nung bata ako. I guess I am a freak when it comes to nature. I am not a Nature-lover but I'd gladly like to be one. To a city girl who has seen this beautiful scenery, I'll gladly build my own house here.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon