Third Entry: Nocturnal Freaks

294 11 3
                                    

8:30 A.M

Nagising ako dahil sa isang ingay na galing sa kabilang kwarto. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ang kulay grey na kisame/ ceiling. Bumangon ako upang tignan ang buong paligid, at bigla kong naalala na nandito pa pala ako sa bahay ni Aunt Melissa. Sa totoo lang, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ingay. Anong klaseng ingay ang pinagsasabi ko? Well, ang ingay na ibig kong sabihin ay ang ingay ng mga tao sa labas. Naalala ko pa ang mga malalakas na hiyawan at ingay ng mga sasakyan na dumadaan sa Mansion. Hindi ko nagawang tignan ang bintana kagabi kasi abala ako sa pagligpit ng mga gamit ko.

Napatingin ako sa mga gamit na iniligpit ko, at bigla kong naalala na hindi pa pala ako tapos kasi pumunta ako sa kusina tapos. .

'Teka, diba pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig tapos may nakita ako? Pero bakit parang wala na akong maalala pagkatapos 'nun? WEIRD. Di kaya nanaginip lang ako?'

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at may biglang sumigaw.

"Momo, GISING NA!"

Hindi na ako magtatanong kung sino ang papasok kasi alam ko na kung sino.

"Tita, gising na po ako. Hindi niyo na po kailangang sumigaw." sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at biglang lumapit sa'kin upang bigyan ako ng mahigpit na yakap. Mga ilang segundo ay bumitaw siya sa pagyakap at tumayo.

"Halika ka na at mag-almusal na tayo, Momo. Alam mo bang ilang taon ko na din hinintay na kumain na may kasama."

"Bakit? Ikaw lang ba ang mag-isa dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti ng malungkot.

Siya lang mag-isa?

Medyo naawa ako kang Aunt Melissa, dahil sa ilang taon na nakatira siya dito ay nag-iisa lamang siya. Pero kung nag-iisa siya dito, ba't hindi na lang siya umuwi sa'min para may makasama siya? O bumisita man lang upang mawala ang pagkalungkot niya? Ganun na ba kaimportante ang lugar na ito sa kanya?

Nang makarating kami sa dining hall, napamangha ako sa mga inihanda niyang almusal. Ang nakahandang pagkain sa lamesa ay mga sari-saring preskong prutas na para bang bagong pinitas sa mga sanga nila, fried egg na tamang-tama lamang ang pagkaluto, pancakes na may honey, cream at strawberries sa itaas, mainiit na gatas at kape, meron din isang jar ng lemon juice at isang loaf bread. Parang tumutulo ang laway ko habang tinititigan ang mga pagkain.

"W-Wow. Inihanda niyo po ito?" Taning ko kay Tita.

"Well, hindi lahat galing sa'kin. Ang mga prutas ay galing kay Manong Kador na nagmamay-ari sa Freshly Picks, ang mga itlog at preskong gatas ng baka naman ay galing sa Farm ni Missis Gorden na nagsusupply sa StermonVille, tapos ang loaf bread ay galing sa sikat na bakeshoppe dito na nagmamay-ari ni Chef Luis at ang nagluto naman ng lahat ng ito ay ako."

Wow. Ang haba ng paliwanag ni Aunt Melissa.

"So, binili mo 'to lahat?"

Umiling si Aunt Melissa at ngumiti ulit; "Ito'y binigay nila sa iyo bilang isang welcome gifts."

"T-Talaga ho? Welcome Gifts?"

"Yup, tara kumain na tayo. Mamayang gabi ay pupunta tayo sa kanila upang magpasalamat." Sabi niya.

Napaupo ako sa upuan at nagaimulang kumain.

"Teka Aunt Melissa, tama ba ang narinig ko? Mamayang gabi? Mamayang gabi tayo pupunta? Bakit hindi nalang ngayon?"

Bigla siyang tumawa at tinapikan ang likod ko.

"Hahahaha, Momo tulog pa silang lahat ngayon. Kakaiba kasi ang patakaran dito sa StermonVille eh."

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon