Fifth Entry: Ang Kauna-unahang Tagapaglabag ng Patakaran

256 11 2
                                    

Dear Diary;

Time Travelling in Dreams is so freakin' COOL! Pero hindi naging COOL ang lahat ng nakita ko. ( ; _ ;)
Nalaman ko ang buong kwento kung ba't nawala si Tita pero hindi ko pa alam kung paano at kailan siya namatay. Mukhang malalaman ko na ngayon.

P.S- Paki-remind sa'kin na tutuksuin ko pa si Papa't Mama sa mga fashion style nila noon.

xoxo M O M O

__________________

Bigla na namang nagbago ang buong paligid at napunta ako sa isang kweba. Pumasok ako at laking gulat na makita ang isang bahay sa loob nito. Hindi naman siya nakakagulat na nagkasya siya sa malaking kweba, ang ikinagulat ko lang ay bakit may bahay sa loob ng kweba? Sinong nilalang ang mag-isip ng ganitong tahanan?

'Melissa, kailangan mong makinig sa'kin.'

Nang narinig ko ang pamilyar na boses ni Tito Morphice ay agad akong pumasok sa bahay.

Right.

Nakita ko si Tita na nakaupo sa sofa habang niyayakap ang kanyang mga binti at nakayukong umiiyak.

'Alam kong namimiss mo na sila pero kailangan na talaga nating umalis sa bansang ito. Nahanap ka na nila at gagawin nila ang lahat upang mapahamak ka at ang mga pamilya mo. Kaya tumahan ka na, Mel. KAILANGAN NATING TUMAKAS SA MUNDONG ITO.' Malambing na sabi ni Tito Morphice habang himihimas-himas ang likod nito.

Kahit naguguluhan at nagtataka sa mga sinabi ni Tito Morphice, di ko magawang isipin na SINO ANG MGA TAONG HUMAHABOL SA KANILA? AT ANONG IBIG SABIHIN NI TITO SA 'KAILANGAN NATING TUMAKAS SA MUNDONG ITO'?

Napaangat ang ulo ni Tita at tumingin ng malungkot kay Tito. Habang humihikbi ay nagawa niyang magsalita kay Tito.

'Tama naman ang ginawa ko, diba? Tama lang na lumayas ako upang maipalayo sila sa kapahamakan?' Tanong ni Tita.

Tumango si Tito Morphice at niyakap ng mahigpit si Tita. Di ko mapigilang mapamangha sa pinapakitang supporta at pagmamahal ni Tito kay Tita. Di ko rin mapigilang magtanong ng tanong sa'king sarili sa mga natuklasan ko. Kulang na lang ay magdala ako ng bolpen at papel, upang ilista ang lahat ng mga katanungan na itatanong ko kay Tita mamaya.

'Oo, tama lang ang mga ginawa mo. Kailangan natin 'tong gawin dahil kung hindi, papatayin nila ang mga mahal mo sa buhay.' Sabi ni Tito.

Sinong papatay sa kanila? At bakit parang tuwing sasabihin ni Tito ang salitang 'Sila' ay parang nakakatakot nga SILA?

Humiwalay si Tito sa pagyakap kay Tita at muling nagsalita; 'Melissa, hindi ka naman nagsisisi diba na sumama ka sa'kin? Hindi ka naman nagsisisi na minahal mo ko?'

Napaangat ang ulo ni Tita at ngumiti ng malungkot. Tumingin siya ng maigi sa mga kulay asul na mata ni Tito at hinawakan niya ang pisngi nito.

'Morphice, kailanman ay hindi ko sinisisi ang mga unang sandali na nakilala kita at sinabi ang mga salitang gusto mong marinig. Hindi ako nagsisisi na minahal kita at pumayag na sumama sa'yo sa dulo ng mundo. Kaya hangga't nabubuhay ako sa mundong ito, mamahalin at mamahalin kita.' Sabi ni Tita.

Bawat salitang binibitawan niya ay puno ng pagmamahal at katotohanan. Di ko maipaliwanag pero parang nanonood ako ng isang teleserye na mas dadaig pa sa Kathniel, Jadine at pati na rin sina Amor Powers at Gov. Eduardo.

"Sino ba ang sinasabi nilang papatay sa kanila?" Taning ko sa'king sarili.

Bigla na namang nagbago ang imahe at napunta ako sa isang dayuhang lugar. Nakita ko ang mataas na tower na sobrang pamilyar at sobrang sikat.
Ang Eiffel Tower, ibig sabihin ay nasa Paris sila Tita't Tito. Napatingin ako sa paligid at hinanap sina Tita, ngunit wala akong nakitang pamilyar na mukha nang dahil sa dami ng mga tao. Napatingin ako sa taas at nakita ang mga langit ay nagluluksa.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon