Twenty Fifth Entry: Espiritwal na Manlalakbay

26 2 0
                                    

"Bakit?! Paano?! Hindi ko maintindihan ang lahat, ano bang nangyayari, Tito?! Ba- BAKIT? BAKIT NAKAHIGA DOON SI TITA MELISSA?! SINO 'YUNG TITA NA NAKILALA KO PAGDATING DITO?!"

Hinawakan ni Tito Morphice ang aking magkabilang balikat pero agad akong umatras upang di niya matuloy ito.

"Tito, I think kailangan ninyong ipaliwanag sa'kin ang lahat. Kailangan mong ipaliwanag kung bakit ang katawan ni Tita ay nandoon at bakit merong isang Tita na kasama ng katawan ko ngayon?"

Nagpatong-patong na naman ang aking mga katanungan tungkol sa kanya. Hinintay ko ang kanyang sagot ngunit ni isang kasagutan sa aking mga katanungan ay walang lumabas sa kanyang bibig.

"Alam ko na dadating ang araw na you'll find out the secret about this. I know I have to tell you the whole truth and you have every right to mad at me, especially that your Aunt believes she's dead." Sabi ni Tito Morphice.

Napahinto ako at napaisip sa kanyang sinabi, lalong lalo na't sa mga huling salitang sinabi niya.

"Hold on. T-Teka, tama ba ang narinig ko? Sinabi niyo po bang hindi pa alam ni Tita ang tungkol dito?"

Tumango si Tito Morphice at sa isang iglap mas lalo akong nagalit. Napahawak ako sa aking noo at napalakad lakad na parang baliw dahil ang utak ko ay pinoproseso pa ang lahat. Isang malaking kalokohan at kasinungalingan ito na hindi ko gustong malaman, at hindi ko hiningi ang sitwasyon na ganito.

"Momo, It's time for you to go back and I'll tell you everything that you need to know." Sabi niya habang tinitignan akong palakad lakad.

"At paano ako maniniwala sa'yo? Sa tingin ninyo magagawa ko iyon nang ganun kadali? Ni hindi ko nga alam kung paano ako nagkakaganito, pagbalik pa kaya sa katawan ko?!" napasigaw ako sa kanya dahil ang aking mga emosyon ay di ko na mapigilan.

"Huminga ka lang nang malalim, Momo at dahan-dahan mong ipikit ang iyong mga mata. Believe me, Momo. I will tell you EVERYTHING YOU NEED TO KNOW.EVERYTHING." Sabi niya sa'kin.

Kahit ayoko nang maniwala kay Tito Morphice, nagawa ko paring sundin ang mga sinabi niya dahil wala akong choice kundi pagkatiwalaan siya. Siya lamang ang tanging nakakakita sa'kin at siya din ang tanging nakakaalam sa'king sitwasyon. At nung sinabi niyang sasabihin niya ang lahat ay nakumbinsi ako.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahan akong pumikit. Narinig ko na may ibinulong si Tito Morphice, ito'y mga salitang di ko alam. At sa isang iglap, ang katahimikan ng silid ay napalitan ng ingay. Ingay ng mga taong nag-uusap at ingay ng monitor na katulad na narinig ko sa silid kanina.

Dahan-dahan kong idinilat aking mga mata at sa unang tingin ay nasilawan ako sa kislap ng ilaw.

"Ah!"

Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ng aking mga kamay, pero meron akong narinig na pamilyar na boses kaya't napahinto ako.

"Momo? O my god, gising ka na!"

Ang nakakasilaw na ilaw kanina ay nanggagaling pala kay MB. Napabangon ako kaagad napatingin sa buong paligid. Nasa aking kwarto ako at ang mga ingay na narinig ko kanina ay mga boses nina MB, Judy, Anghelo at Tita Melissa.

Agad silang lumapit sa'king tabi at sinalubungan ako ng mahigpit na yakap ni Tita Melissa.

"Momo, a-ayos ka na ba? Wala bang masakit sa'yo, ha?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako sa kanya binigyan siya ng ngiti at napangiti din siya sa'kin.

Napatingin ako nang maigi kay Tita at unang tumakbo sa'king isipan ay kung anong mukha ang kanyang ipapakita sa'kin kapag malaman na niya ang lahat. Kapag nalaman niya ang tinatagong sekreto ni Tito Morphice sa kanya. Tinatak ko ang kanyang masayang mukha sa aking memorya upang di ko makalimutan na may mga panahon na masaya siya at meron.

Ang DIARY ni MomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon