SAPPHIRE POV
NAGISING AKO sa lugar kung saan lagi kong nakakausap si Maya pero nitong mga nakaraan ay sa ibang lugar niya ako dinadala.
“Maligayang pag dating sa mundo ko, KAMAHALAN!” pag bati ko sa ina ni Sapphire nang makita ko siyang naka tayo sa kung saan habang naka masid sa buong paligid.
“Saan mo ako dinala?” may pagtatakang tanong nito.
“Nakikinig kaba sa sinabi ko?! Ang sabi ko, ito ang mundo ko, ngayon kung iyon ulit ang itatanong mo.. mag taka ka na dahil baka hindi kana normal,” medyo naiinis na sabi ko sa kaniya.
“Hoy! Wala kang galang, ako parin ang iyong naging ina! Si Sapphire ka man o hindi!” maotoridad niyang ani.
“Hay naku! Baka ikaw talaga ang ina niyan kamahalan, may pinag manahan eh,” napa lingon ako sa aking likod dahil sa nag salita.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanilang dalawa ni Dundee.
Magka tabi sila at parehas ding naka cross arm na parang nababagot.
“Sige, tuloy niyo lang ‘yan,” sabi nalang ni Dundee saka iginalaw ang kaniyang buntot.
“Princess Shirley? Puting pusa? Ano ba talaga ang nangyayari dito?” naguguluhang tanong niya sa amin.
Bakit ba kase sumulpot pa ang dalawang ‘to?
“Ehem! Ehem!” napa kunot ako ng noo nang marinig ang pag ubo ni Shirley na parang umiintro.
“Let me introduce my real self to you, your highness..” panimula nito ngunit sumabat na ako.
“Hindi ka niya kailangang makilala.. Pwede ba, lumayas na nga kayong dalawa! May pag uusapan kami ng ina ni Sapphire!” medyo inis kong pag papalayas sa kanila.
“Awts!” sabi ni Shirley na napapahawak pa sa kaniyang dibdib, wala namang laman. “Pero sige, dahil sobrang kind ko.. aalis na muna kami, tara Dundee gising na tayo! Bye kamahalan, sa’yo din Mahal na—”
“Umalis na kayo!!!” sigaw ko na nagpa tawa sa kanilang dalawa.
“Oo na, oo na, masyado ka namang high blood eh, hihihi...” natatawang sabi ni Shirley bago sila nawala.
NANG maka alis ang dalawa ay saka ko na ulit hinarap ulit ang ina ni Sapphire na naging ina ko rin naman nitong nag daang araw or week?
"Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari," halatang napipikon na siya, umepal pa kase yung dalawa eh.
"Wait! Maya ano ba! Lumabas kana nga kase! Ang tagal-tagal mo, wala namang cine!" nauubusan na nang pesensyang sabi ko sa Dyosang si Maya.
Umilaw ng mas maliwanag pa sa sikat ng araw at nang mawala iyon ay si Maya na ang lumabas.
"A-anong...p-pa-panong..." hindi makapaniwalang sambit niya, kahit naman ako eh.
Nag bigay galang ito ng mag sink sa kaniyang utak kung sino nga ba ang nilalang na bigla nalang nag pakita.
"Maya, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa dyosa na pumalit sa kaninang dalawang nilalang na nanggugulo sa usapan namin.
"Nanonood lang ako, tapos bigla mo akong pinalabas," feeling inosenteng sagot niya.
"Pwede bang mag laho ka nalang? 'yong bang bubbles na pag pinutok mawawala?" tanong ko na may pa-suggest na rin.
"Hindi naman ako bula at hindi mo rin ako alagad pero sige, hindi ko na panonoorin ang kwentuhan ninyong dalawa," sagot nito bago tuluyang mag laho na parang.. Bula.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...