CHAPTER 66

3.8K 180 56
                                    

"MA.. KAILANGAN na namin bumalik ng Ilocos. May naiwan pang trabaho si Sandro doon" I told my mom habang nag-aayos ako ng mga gamit namin ni Alex.

"Hindi ba pwedeng magpa-iwan muna kayo ni Alex dito anak? Para naman makasama namin ang apo namin." My mom said habang hinihimas ang buhok ni Alex na natutulog.

"Ma... nasa Ilocos na yung buhay ko." I told her.

"Please naman anak oh. Hindi na tayo nagkakausap ng maayos. Si papa mo din di na naman kayo nag-uusap"

Huminga naman ako ng malalim.

"They can stay naman po, pwede ko naman sunduin sila sa weekend" Sandro said habang nakatayo sa pintuan.

"Talaga?" My mom was excited.

Nilapitan ko naman si Sandro.

"Are you sure darling?" I asked him.

Nakayakap ako sa kanya.

He nodded and gentle poked my nose..

Napangiti naman ako.

"Bagay talaga kayong dalawa" My mom said smiling.

"Alam ko na magiging okay ang anak ko at ang apo ko sayo Sandro" She told him.

"I love them so much po, hindi ko alam kung anong gagawin ko without them" Sandro answered.

The next day inihatid namin ni Alex si Sandro sa airport ng Davao.

May mga media na nakaabang but I managed to blend in with the crowd para hindi nila mahalata si Alex.

We were inside a private room sa airport at naghihintay para makapag-board sa eroplano.

"I'll see you this weekend?" He said habang karga karga si Alex.

"See you darling. Sunduin mo talaga kami ha" I told him.

He leaned closer to me and hinalikan ako.

"I will move heaven and earth just to get you two" He whispered at hinalikan si Alex sa pisngi.

"Behave ka Sandro ha.. kapag lumapit na naman yung Diane na yun, sabihin mo agad sa akin. Tawagan mo ako" I warned him.

"Araw araw kitang tatawagan darling until magkita tayo"

Good.

Ganyan dapat.

"And ikaw din... hmmm baka magpa-cute na naman yung Ravi na yun sayo ha. Height lang lamang nun sa akin. " He was giving me a side eye.

Kinilig naman ako kasi nagseselos na naman sya.

Rawr.

"Darling... I told you.. magkaibigan lang kami. Si Anna nga ang niligawan noon ni Ravi eh" I told him.

"And walang makaka-pantay sa ka-pogian mo darling"

I saw he tried to hide his smile.

Yiiii.

Kilig yarn?

"Bro... tanungin mo din si Vinny kung kailan sya babalik dito." Simon asked him.

He joined us na ihatid yung kuya niya.

Si Anna naman, dumiritso sa bahay nila sa Davao.

Pagkatapos namin maihatid si Sandro dumaan lang kami ng mall sandali para maipasyal ko naman si Alex.

"Daan muna tayo ng store." I told Simon.

May mga PSG pa rin kaming kasama pero hindi naka-uniform para di masyadong mapansin ng mga tao.

Pagpasok namin, madaming customers.

Nakilala naman ng mga tao si Simon.

"Hi Simon... pwede magpa-picture"

"Simon... ang pogi mo talaga."

"Simon saan si Sandro and Vinny?"

"Simon girlfriend mo yan?"

Iba't ibang tanong naman yung mga fans nya.

"Ang chaka ng girlfriend nya ha" I heard one of them whispered it sa kaibigan nya.

I glared at her at napansin nya naman ako.

Agad silang yumuko pareho.

I slowly walked towards them.

Nakayuko pa rin silang dalawa.

I reached my hand over sa may mga chocolates and they both got nervouse.

"Wag nyo po kaming sampalin!" Sigaw ng isa habang nagtatakip sila pareho ng mukha.

"Joke lang po yun. Inggit lang talaga kami!" Sigaw nung isa.

"Uh.. excuse me? Kukuha lang ako ng chocolates" I grin at them.

Agad naman silang umalis.

I was trying so hard not to laugh.

Nubayan.

Joke lang din naman eh.

"Well that was scary"

I looked back kung sino yung nagsalita and it was Ravi.

He was smiling at me and nakalabas ang dimples nito.

"Ravi! Anong ginagawa mo dito?" I asked him.

"I live nearby, bumili lang ako ng pagkain" He showed me a bag full of groceries.

Tiningnan naman namin si Simon na pinagkaka-guluhan pa rin ng mga fans nya.

"They're really famous. Where's your fiance by the way?" He asked me.

"Bumalik ng Ilocos kanina. May naiwan na trabaho yun eh" I answered him.

"Right... he's the congressman of the first district in Ilocos Norte" He answered.

Luh.

Ba't nya alam.

"Mam, dumating po yung mga stocks kanina" One of our employees said.

"Ah sige.. pipirmahan ko na lang yan mamaya. Iwan mo sa office ko" I answered her and she nodded.

"You own this store?" Ravi was surprised.

"Uh... yeah.. Me and Anna own this." I answered him.

"Wow... successful na kayo ah" He was smirking.

"Ikaw din naman ah, manager ka na nga ng isa bangko di ba"

He just nodded.

"Sige Althea.. I'll go ahead..." He said at dahan dahan naglakad paalis.

"Ah sige.. ingat ka--"

"Althea.. umm.. do you mind if I ask for your number?" He asked.

Luh textmate lang?

"Althea" Simon suddenly interrupted us.

He was glaring at Ravi.

"I'll go ahead Althea.. I'll see you around." Ravi said at naglakad na palabas.

"Althea.. parang may gusto sayo yun ah" Simon told me.

"Ano ka ba. Kaibigan lang namin ni Anna yun." I answered him.

"Seloso yung kapatid ko. Alam mo yan" He mumbled.

I realized seloso talaga yung Sandro ko.

Ang hirap talaga maging maganda. Ugh.

My Willow Man (Book 1&2) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon