ISTORYA

603 18 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-

"Wala nga akong babae, Mara, ano ba?!" Naiiinis na ang tono ng pananalita ni Daniel sa kaniyang asawang si Mara.

"Kung wala kang babae, hindi mo sana idini-deny y'ong mga sinasabi ko, Daniel." Nagtitimpi namang wika ni Mara.

"Mommy, Daddy, please stop fighting." Sabat nmaan ng kanilang anak

Pareho namang hindi pinansin ng mag-asawa ang kanilang nag-iisang anak.

"Sa oras na maulit pa 'to, hindi mo na ako makaka-usap kahit kailan." Sabi ni Mara at tumikhim na.

Napabusina naman si Daniel ng kaniyang sasakyan dahil sa inis. Binilisan niya rin nag takbo ng sasakyan dahil nababalot na siya ng galit.

"Daniel, ano ba?!"

"Mommy..." Umiiyak at natatakot na wika ng kanilang anak.

Tinanggal naman ni Mara ang kaniyang seatbelt upang lumipat sa likod. Ngunit, hindi na niya ito nagawa dahil sa aksidenteng naganap. Tumama ang kanilang sasakyan sa kapwa pa nito sasakyan.

-

Three years later...

"Sir, ito nga po pala ang list ng mga applicants." Sabi ng kaniyang secretary at inilapag ang blue folder sa kaniyang mesa.

Nanatiling nakatayo ang kaniyang secretary habang sinusuri ni Daniel ang mga taong nais maging bago niyang sekretarya.

Nang makita niya ang isang pamilyar na mukha ay 'agad noyang kinuha ang papel at tiningnang mabuti. "Mara Alvarez." Basa niya sa pangalan nito.

Nanliit ang kaniyang mata at bigla na lang sumakit ang kaniyang ulo.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng sekretarya.

"Carista, tawagan mo ito at papuntahin mo 'agad dito." Tugon ni Daniel habang sapo-sapo ang kaniyang noo. Ibinigay niya naman ang papel kay Carista na kaniyang sekretarya.

Kaagad naman itong sinunod ni Carista.

-

Nakarating na si Mara sa kompanya ni Daniel at kausap niya ngayon si Carista. "Bakit po agaran y'ong pagtawag sa akin?" Nahihiyang tanong ni Mara.

"Bakit, ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw-"

"Pumasok ka na, hinihintay ka na ni sir." Sabi ni Carista at tumango naman si Mara.

Kumatok muna si Mara bgao buksan ang pinto. Inikot naman ni Daniel ang kaniyang swivel chair at nagulat siya ng makita si Mara. Hawig na hawig nga niya ang kaniyang asawa.

"Good morning po-"

"Mara?"

"Yes po, sir. Mara Alvarez po y'ong pinatawag niyo po ngayon." Ngumiti si Mara kay Daniel.

Regine Velasquez Shortlist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon