I

303 19 13
                                    

27/03/2015 8:41 PM

I

Sa bawat pintig ng puso,

Luha'y pinipigilan sa pagtulo,

Habang ang isip ay gulong-gulo,

Sapagkat puso'y naninibugho.

II

Sa bawat luhang pumapatak,

Puso'y unti-unting nawawasak,

Sakit ay patuloy tumatatak,

"Walang tayo" sa isip ay sumasaksak.

III

Sa bawat araw na magdaraan,

Lungkot sa puso'y lalong kumakamkam,

Sapagkat walang bukas para sa atin ay matatanaw,

Habang ako ay "Mag-isang nagmamahal."

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon