X

95 9 6
                                    

25-May-15 8:24 PM

I

Kakaisip sa'yo ay natutulala,

Luha'y gustong kumawala,

Lungkot ay bumabaha,

Puso'y lumuluha.

II

Nais kong tumitig sa mga tala,

Pagmasdan ang iyong mukha,

Sabihin sa'yo ika'y aking sinta,

Ngunit ako'y binabalewala.

III

Masakit! Sobrang sakit,

Umibig sa taong iba ang ninanais,

Ngunit mata man ay ipikit,

Ikaw, ikaw pa rin nakikita makisig.

IV

Pagsinta mo pa ba sa kanya'y maglalaho?

O habang buhay ka na lang niyang bilanggo?

Hindi mo alam mundo ko dahil sa'yo ay gumuguho,

Subalit 'di pa rin ako susuko.

*******

One sided love, I know it's insane. But hey dear, I don't care! I was joking!

Hahaha. #walangHugot

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon