II

247 15 20
                                    

27/03/2015 8:42 AM

I

Naranasan mo na bang umibig,

Sa taong iba ang ninanais,

Na kailan man dibdib niya sa'yo ay 'di pipintig?

II

Naranasan mo na bang ipagpalit,

Ng taong sa puso mo'y tanging nangungulit,

Na hindi mo kailan man kakayanin siya'y iwaglit?

III

Naranasan mo na bang maging manhid,

Para sa taong lagi sa'yo ay nananakit,

Na kailan man paglisan sa kaniya sa'yo ay 'di sumiksik?

IV

Naranasan mo na bang mabaliw,

Sa taong alam mong isang taksil,

Na kailan man siya lang ang iyong aliw?

V

Naranasan mo na bang magpapansin,

Sa taong hindi ka man lang tinapunan ng tingin,

Na kailan man ay hindi mo maaangkin?

VI

Naranasan mo na bang burahin,

Ang taong hindi ka na muling mamahalin,

Na kailan man sa inyong dalawa ay hindi na magkakaroon ng ningning?

VII

Naranasan mo na bang aminin,

Sa taong mahal mo ang damdamin kay tagal din pinigil,

Na kailan man sa nadarama mo siya'y walang pansin?

VIII

Naranasan mo na bang mahalin,

Ang taong sa'yo ay kaibigan lang ang turing,

Na kailan man hindi na magbabago pa anuman ang iyong gawin?

IX

Naranasan mo na bang sa puso ay ipilit,

Ang taong sa'yo raw ay nararapat ngunit 'di mo iniibig,

Na kailan man hindi mo kakayanin dahil sa iba ikaw na'y nakatitig?

X

Naranasan mo na bang pumikit,

Dahil sa taong sa'yo ay nang aakit,

Na kailan man hindi sa'yo mapupunta ng buo sapagkat kaibigan mo sa kaniya na'y nakakapit?

XI

Naranasan mo na bang humalik,

Sa taong hindi man lang sa'yo nagbigay ng init,

Na kailan man labi niya sa labi mo'y hindi na dadampi ulit?

XII

Naranasan mo na bang sarili mo'y ikulit,

Sa taong palagi ka lang pinatatangis,

Na kailan man ikaw sa puso niya'y hindi madidikit?

XIII

Naranasan mo na bang kutsilyo sa pulso'y iguhit,

Dahil sa taong iniwan ka at dinilig ka ng pasakit,

Na kailan man sa'yo siya'y hindi na babalik?

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon