25/04/2015 2:16 PM
Sa tamis ng aking ngiti pilit ikukubli ang luha
Ng pusong sa pag-ibig ay nagdurusa;
Sapagkat mahal kita at ang mahal mo naman ay siya,
Ngunit ganoon pa man ako pa rin ay magpapakatanga,
Aasa pa rin ako kahit sa'kin ay wala ng matira,
Kahit pa puso'y malunod sa baha ng aking luha,
Kahit pa hindi magkakaroon ng tayong dalawa,
Sapagkat ang pagmamahal ko sa'yo ay hindi na mabubura pa.
BINABASA MO ANG
Mag-isang Nagmamahal
PoetrySa bawat araw na magdaraan, Lungkot sa puso'y lalong kumakamkam, Sapagkat walang bukas para sa atin ay matatanaw, Habang ako ay "Mag-isang nagmamahal."