23/04/2015 10:55 PM
I
Pwede bang ako na lang siya?
Siya na sa puso mo'y nagbibigay kaba.
Siya na mahal mo simula pa nang ikaw ay aking makilala.
Sapagkat itong nadarama'y hindi ko na kayang pigilan pa.
II
Pwede bang limutin mo na siya?
Alaala niya'y itapon na.
Nadarama mo para sa kan'ya ay h'wag nang bigyan ng halaga,
Ng ako ngayon ay hindi na magdusa.
III
Pwede bang ako na lang sinta?
Ang iyong gawin ligaya.
Ang pag-alayan ng pag-ibig mo na para sa kan'ya,
Para ang puso ko'y sumaya.
IV
Pwede bang akin ka na lang talaga?
'Yung tipong pang-habang-buhay na,
'Yung wala ng sagabal na iba,
Para tuwing gabi'y hindi na lumuha ang aking mga mata.
V
Pwede ba o hindi sinta?
Sana pwede na lang para puso'y sumigla,
Ngunit kung hindi ako pa rin ay aasa,
Dahil mahal na mahal talaga kita kahit ako'y mukhang tanga.
BINABASA MO ANG
Mag-isang Nagmamahal
PoetrySa bawat araw na magdaraan, Lungkot sa puso'y lalong kumakamkam, Sapagkat walang bukas para sa atin ay matatanaw, Habang ako ay "Mag-isang nagmamahal."