IV

213 12 9
                                    

30/03/2015 6:54 AM

I

Nang dahil kay Lai ay mayroong nakilala,

Binatang may akdang maganda,

Kaya sa likha niya ay hindi mapigilan mahumaling talaga,

Pero ako ay may iba pang nadarama.

II

Nadarama ko'y sa una pa lang iyo nang nakita,

Ngunit ito'y binaliwala at hindi binigyan ng halaga,

At puso'y nalungkot sa iyong birada,

Sapagkat tinawag mo akong kaibigan, kaibigan lang ba?

III

Maunang magpakita ng nadarama, rito ako'y mahina,

Ngunit para sa'yo ito'y isanawalang bahala,

Nadarama'y ipinakita at kamakailan ay isiniwalat,

Ngunit tugon mo'y hindi ko matanggap!

IV

Ikaw pala'y may iniirog,

Nabasa ko sa status mo sa Facebook,

Kaya pala puso mo'y hindi ko nabulabog;

Puso kong tumitibok ay sumabog!

V

Puso ko man sa sakit ay nabaon,

Pagmamahal ko pa rin sa'yo ay hindi itatapon,

Sapagkat umaasa pa rin ako sa puso mong mamon

Na isang araw pagmamahal ko rito ay lalamon.

(♡_♡) (^_^) (-_-) (>_<) (T_T)

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon