XI

66 5 7
                                    

06.28.15 10:17 PM

I
Maliwanag ang sikat ng araw,
Subalit tila naglalakad ka sa kawalan,
Namumugto ang mga mata mong puno ng kalungkutan,
Mabibigat ang bawat mong paghakbang.

II
Isip mo man ay naglalakbay,
Nakilala mo pa rin ang taong iyong minamahal,
Tatakbo ka na sana upang siya'y makayakap at mahagkan,
Ngunit sa isip mo'y gumuhit na hindi na nga pala ikaw ang kaniyang katipan.

III
Dibdib mong nagdurusa'y lalong nagdugo,
Wari ito'y hinahampas ng itak at pinapaso,
Bumibigat din ang bawat pagtibok ng iyong puso,
Hanggang luha mo'y tumulo nang tumulo.

IV
Walang tigil ang iyong paghikbi habang humihiling,
Humihiling na sana ang darama'y maglaho na kung mamarapatin,
Sapagkat tila kadena itong pumupulupot sa'yong dibdib at naglilibing,
Sa pagdaramdam na tumutulak sa'yo sa rehas na kaylagim at kaydilim.

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon