#postTulaChallenge

155 9 8
                                    

#postTulaChallenge

Tagged by: blank

Paksa: 'Di masabi (Hohoho! Parang hindi.)

Titulo: Dagat ng Pag-ibig

10/05/2015 11:36 AM

I

Sa puso ko'y mayroong nakabaon,

Ang lalaking iniirog simula pa noon...

Simula noong ako'y inanod ng alon;

Ng dagat ng kasawian nang dahil sa kanya naglaon.

II

Datapwat sa tagal ng panahon,

Na siya'y nakasama sa bawat pagkalunod at pag-ahon,

Nadarama ko'y nanatiling nakakahon,

Sa loob ng dibdib mapahanggang ngayon.

III

Sapagkat sa puso niya'y mayroong nakakulong,

Ang babaeng sa iba nama'y nakakandong,

Kaya naman yaring dibdib ay 'di man lang makabulong;

Luha sa mga tala'y bumabalong.

IV

Isiwalat man itong nilalayon,

Batid ko naman na kailanman 'di magkakaroon ng tugon,

At sa amin ay walang matamis na pagkakataon,

'Pagkat siya lang, ang bulaklak niyang bugtong.

V

Karagatan man ng dusa sa'kin ay lumamon,

Sa kanya pa rin ay patuloy lulusong,

Magpapatangay kahit 'di na makabangon,

At kamangmangan man pagsinta pa rin ay 'di itatapon.

*****************

Uso 'to sa Facebook, try din natin dito mga Makata. At si yhin2x po ang nag-suggest sa'kin na gawin ito.

Panuto:

1. Gagawa ako ng tula bilang pagsisimula ng #postTulaChallenge.

2. Pagkatapos ay hahamunin ko ang tatlo sa aking mga kaibigan dito na gumawa rin ng tula batay sa paksa/tema na aking iibigin.

3. Matapos niyang/nilang makagawa ng tula batay sa paksang naibigay sa kanya/kanila, siya naman ang pipili ng tatlo sa mga kaibigan niya na pagagawin ng tula batay sa paksa/tema na kanyang naibigan.

4. Mas mainam kung walang recycled na tula, para cool.

5. Bawal KJ.

Tagging:

mysterious_aries - kahon

love_by_God - bulaklak

BabaingBobosaMATH - tala

Marami pa akong nais i-tag subalit hanggang tatlo lang po ang nakalagay sa panuto. Sa susunod na lang po ang iba. Hahaha. Parang ayaw niyo naman.

Hey, sa mga ti-nag ko 'di maaari na i-tag niyo ako. Hahaha. Love yah mga dear!

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon