VI

100 9 4
                                    

21/04/2015 3:11 PM

I

Pagmamahal ko sa'yo ay hindi ko ipipilit,

Ngunit sa ganda ko ikaw ay maaakit,

Sa puso mo hindi mo mapipigilan ako'y umukit,

At ako'y iyong makikita kahit ikaw ay nakapikit.

II

Kaya pag-ibig mo sa'kin ay h'wag mo nang ipagkait,

Ako naman minsan ay mabait,

Matalino pa sabi ng mga kaibigan kong makukulit,

At kapag ako sa'yo ay tumitig, t'yak sa kilig ika'y mamimilipit.

III

Kung ako sa'yo h'wag mo nang paghintayin itong marikit,

Pagsinta mo sa'kin na'y iparamdam nang madama ko ang iyong init,

H'wag kang mag-alala sa piling ko hindi ka makakaramdam ng sakit,

At kaligayahan mo'y hindi hahayaan mapaknit.

IV

Ngunit ang mundo talaga ay malupit,

Sapagkat sa iba ikaw ay nakasabit,

Labi niyo'y madalas nagdidikit,

Lamig ay 'di niyo nadarama sapagkat katawan niyo'y laging magkalapit.

V

Ngayon tuloy puso ko'y aking bitbit,

Itatapon ko na 'to sa lugar na pusikit,

Kasabay sa paglimot ng pangarap ko na hindi ko nakamit,

Pangarap na mapaibig ka sa kahit isang saglit.

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon