III

210 13 5
                                    

28/03/2015 6:12 AM

I

Pana ni Kupido'y muling tumarak,

Sa puso kong kagagaling sa pagkawasak,

Tila panibagong sakit na naman ang aking malalasap.

II

Ayoko na sanang luha'y muling pumatak,

Dahil sa pag-ibig ko sa hindi nararapat,

Ngunit pag-ayaw ko si puso'y hindi tinatanggap.

III

Bakit ba laging hindi si karapat-dapat

Ang nahahanap ng puso kong sa pag-ibig ay salat?

Sawang-sawa na ako sa paghihirap!

IV

Ilan pag-ibig pa ba ang aking mararanasan,

At ilan ulit pa ba ako masasaktan,

Bago makita ang taong handa ako pakasalan?

V

Darating pa ba ang taong handa ako mahalin nang tunay,

O sa wala ay maghihintay lang ako habang buhay?

Mundo ko'y gusto ko nang magkakulay!

VI

Ayoko na! Ayoko nang masaktan!

Ngunit ang sakit ay kasama sa pagmamahal,

At ayoko man aminin pati ang pagkahangal.

Mag-isang NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon