21/04/2015 1:19 PM
Habang sa dilim ako'y namamanglaw,
Ikaw at siya sa kasiyahan ay sumasayaw.
Habang puso ko'y natutunaw,
Kinabukasan niyo'y nagkakaroon ng ilaw.
Habang sa pagsinta mo ako'y nauuhaw,
Ngiti sa labi niya dahil sa'yo ay lumilitaw.
Habang dibdib ko dahil sa dusa'y sumisigaw,
Katuwaan niyo'y tila hindi kayang maagaw.
Habang gusto ko nang mawala sa mundong ibabaw,
Pag-iibigan niyo sa madla ay umaalingawngaw.
BINABASA MO ANG
Mag-isang Nagmamahal
PoetrySa bawat araw na magdaraan, Lungkot sa puso'y lalong kumakamkam, Sapagkat walang bukas para sa atin ay matatanaw, Habang ako ay "Mag-isang nagmamahal."