8 Accident?

1.8K 23 3
                                    

Franklin James' P.o.V

"Kuya, dali na kasi." Pangungulit ni Raine.

"Oh tapos Kuya naman ngayon?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Sungit neto. Meron ka?" pang-aasar niya.

"Sige Raine mang-asar ka pa, lalong hindi kita papayagang pumunta dun." kanina pa ako kinukulit ni Raine na payagan siyang pumunta sa bahay nina Nica.

"Ewan, KJ mo talaga." tumayo na siya at naglakad papuntang kwarto niya.

"Sige na. Sige na. Pumunta ka na. Susunduin na lang kita dun." sabi ko. Dahan dahan siyang lumingon sa direksyon ko at patakbong bumaba ng hagdan.

"Waaahhhh Thank you Kuya." palabas na sana siya ng bahay pero pinigilan ko ulit siya.

"Wag mong dadalhin yung kotse."

"Hah? Ano ka? Bakit naman? Anong gagamitin ko? Alangan namang mag commute ako." nakasimangot niyang sagot.

"Ihahatid kita."

"Anla wag na. Para naman akong bata, may taga hatid may taga sundo." pagrereklamo niya.

"Ayaw mo? Edi wag ka ng pumunta." nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

"Ano ba Kuya? Ambagal bagal mo eh. Tara na, diba ihahatid mo pa ako kina Nica?" sabi niya habang hinihigit ako papunta sa kotse. Napangisi naman ako sa ginawa niya.

****

"Bye bye Kuya." Umalis na rin si Kuya dahil pinagtulakan ko na siya paalis. ^_____^

" NICAAAAAAAAAA BABEEEEE" sigaw ko sa harap ng gate ng Ashville Mansion. Di kasi uso ang doorbell sa akin kaya nagsisigaw.

"NICAAAAA BABEEEEE YUHOOOO RAINEY BABY ISHH HERE." Sigaw ko ulit. Hohoho trip ko lang mag paka baby ngayon. Bakit ba? Masama ba?

Maya maya pa ay bumukas ang main door ng bahay nila at nanlaki ang mata ko sa aking nasisilayan.

Owww myyy gawwwdd.. *drools*

A-a-angggg w-wafuu... Emegerd.

"Umm? Miss?" Napabalik ako sa katinuan ng magsalita yung lalaki na kaharap ko na ngayon. Ahihihi mas gwapo siya sa malapitan.

"S-si N-nica?" Nauutal kong tanong. Yung kakulitan ko kanina, bigla na lang nawala nung makaharap ko siya. Sasagot pa sana siya dahil bumuka ng onte yung bibig niya pero may sumigaw sa likod siya.

"ITAYYYYYYY. IS THAT TITA RAINE?" Napatingin yung lalaki dun sa batang tumatakbo papalapit sa amin.

"Ano ngang pangalan mo Ms.?" Tanong niya.

"R-raine. I'm Nica's friend." Pakilala ko. Nagnod naman siya at pinapasok ako. Napatingin naman ako dun sa batang lalaking tumawag sa akin ng 'Tita Raine'.

"Hi Tita Raine." Nakangiti niyang bati. Ngumiti rin ako at tinanong ang pangalan niya.

"Boku wa Joshua desu, Hajimemashite." Nagbow pa siya. Nawirdohan ako sa mga pinagsasabi nung bata. Alam ko naman yung ibig sabihin nun kaso nawerdohan pa rin ako. Ahahaha

"Joshua, she can't understand you." Naiiling na sabi nung tinawag na 'Itay' nung bata.

"Ah hehe? Gomen?" Nahihiyang sabi ni Joshua. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Raine? Anong ginagawa mo dito?" Narinig kong tanong nung babaeng lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa kanya.

"Angelica beybieee.." Nakangiti sabi ko. Napailing na lang si Princess dahil sa sinabi ko.

"May lakad kayo ni Nica?" Tanong niya. Tumango tango naman ako.

Our Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon