13 Father & Son

2.3K 48 31
                                    

Dedicated to her. <3 Thank you sa support. :))


"Woah. Papa, your house is huge." manghang sabi niya ng pumasok kami sa bahay.

Alam kong maaring magalit sa akin si Mommy dahil hindi ko pinaalam sa kanya na dito ko muna papatirahin si Kier. Tatalakan na naman ako nun, for sure. Pero okay lang, in case na magalit siya pwede kaming mag stay sa condo ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dinala ko si Kier dito sa bahay. Kung tutuusin ay wala naman akong responsibilidad kay Kier pero gusto ko lang talaga siyang makasama.

"You like it?"

"Yup." nakangiti niyang sagot. Inakay ko siya papasok sa bahay at sinalubong agad ako ng mga matang mapanuri. Nagpapabalik balik ang tingin nila sa aming dalawa ni Kier.

Anong ginagawa ng mga ito dito? De Guzman's are here. Tsk. Nice.

"S-sino siya, James?" namumutlang tanong ni Mommy. Tatanungin ko sana kung may sakit ba siya dahil sobrang putla ng mukha niya pero naisip kong wag na lang. Mukhang wala naman siyang sakit. Siguro shock lang dahil may kasama akong bata.

"My son?" alinlangan kong sagot. Nanlaki ang mata ni Mommy at napahawak sa dibdib.

"James." maotoridad na tawag ni Daddy sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya kay Kier na para bang sinusuri ito. What's with them? Bakit parang nakakita sila ng multo nung makita nila si Kier? Oh well, they're just probably shock. Ikaw ba naman ang magsama ng bata.

"You have a son?" tanong naman ni Paris. Pss. Andito rin pala ito.

"Kakasabi lang diba?" walang gana kong sagot. Naramdaman ko ang pagpisil ni Kier sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Papa, who are they?" tanong niya. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Mommy dahil sa pagtawag sa akin ni Kier na 'Papa'.

Nakakapagtaka naman, matagal na niya akong hinihingan ng apo ngayong may iniharap ako sa kanya kulang na lang takasan siya ng dugo niya sa katawan niya sa sobrang pamumutla.

"Ah. Parents ko sila, Kier." sagot ko sa kanya. Nagnod naman siya sa akin at ibinalik ang tingin sa mga taong nakatingin sa kanya. Napatago siya sa likod ko sa hindi malamang dahilan. Tiningnan ko ang tinitigan ni Kier at nakita si Mommy na matalim na nakatitig sa kanya.

"Mom, you're scaring him." galit na sabi ko sa kanya. Inirapan naman niya si Kier.

"We're talking about your engagement party. If your thinking na mapipigilan mo pa ang plano namin dahil sa anak mo, then you're wrong. You'll marry Paris as soon as possible." matigas niyang sabi. I rolled my eyes in annoyance.

"Yeah. Yeah. Do what pleases you." dinala ko na si Kier sa kwarto ko. Siguro sa condo ko na lang muna kami mag sstay. Hindi naman ako dumb para hindi mapansin na hindi komportable si Mommy sa presence ni Kier. Tsk.

Pagpasok namin sa kwarto ko ay nagtatakbo agad si Kier sa loob.

"Woah. Ang cool ng room mo, Papa." punong puno ng paintings ang room ko. Ang ceiling naman ay may doodle na pangalan ni Raine. Siya ang nagpagawa nun nung fifteen years old siya. Gusto daw nyang kahit pagtulog ay siya ang maalala ko. Napangiti ako ng wala sa oras ng maalala ko siya. Sana nandito siya ngayon.

"Papa, are we going to live here?" tanong niya habang nagtatalon sa kama ko. Bahagya akong umiling kaya natigil siya. Malungkot siyang naupo sa gilid ng kama ko at tumingin sa akin.

"But I want to stay here." sabi niya.

"Bakit naman?" Curious rin ako eh. Ako nga gustong gusto kong kumawala sa bahay na to pero siya gusto niya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon