12 Papa <3

1.4K 22 4
                                    

Franklin James' P.O.V

"Arghh. Ano na naman bang kailangan mo?" Naiirita kong tanong sa babaeng nakatayo sa harapan ko at may hawak hawak na lunch box.

"I just want to eat lunch with you." nakangiting sagot niya bago umupo sa tabi ko. I took a deep breath and close my eyes for 3 seconds.

This girl. Tss.

"Eat on your own." sabi ko bago nagwalk out.

Nagwalk out ko sa sarili kong bahay. Letche. Simula nung pinakilala siya sa akin nina Mommy wala na siyang ibang ginawa kundi pumunta ng bahay at magdala ng kung anu-ano. For example, pagkain. Letche ayokong tumaba, baka magkatabs ako. Hindi na makikita ni Rai--. Pss. Nevermind. Asa pa ako. Tsk.

"Wait, James." sigaw niya at hinabol ako. Putek naman oh. Wala ba siyang balak tumigil sa kakahabol sa akin?

It's been a week since makilala ko siya at makita ko si Kier. Simula last week ay pabalik balik na ako sa Park hoping na makita ko ulit siya. Matapos niya kasing magpakilala ay tumawag sa kanya ang Mama daw niya kaya nagpaalam na siya.

Gusto ko pa sana siyang makausap pero hindi naman sya pwede. Stranger pa rin naman ako sa paningin niya.

"San ka pupunta? Can I come with you?" malambing niyang tanong at hinimas himas ang braso ko. Marahas ko na namang hinigit ang braso ko at tinalikuran siya. Pero makulit siya kaya hanggang sa kotse ay nakasunod siya.

Akmang papasok siya ng kotse ko pero pinigilan ko siya.

"Stop." Pigil ko.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong. Pss. Seriously, gustong gusto ko siyang sigawan pero naawa rin naman ako, kahit saang anggulo namang tingnan ay babae pa rin siya.

"You can't." sabi ko at pumasok ng tuluyan sa kotse. Nilock ko na rin ang pinto dahilan para hindi siya makapasok.

This car. Itong kotse na ito ang madalas naming gamitin ni Raine sa tuwing nagdadate kami. I know I'm being sentimental here, pero anong magagawa ko. I am madly and deeply in love with her.. with my own sister.

Shit. Get a grip, James. I shook my head.

A part of telling that she's still alive, pero naiisip ko na ring sumuko. If she's still alive then bakit hindi siya nagpapakita sa akin?

Napadpad ako sa National Book Store. Wala naman akong bibilin dito pero dito ako napadpad.

Habang naniningin ako ng magandang libro ay may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na pigura.

Lumapit ako sa taong ito para siguraduhin kong tama nga ba ang hinala ko.

"Kier?" naguguluhan kong tanong. Dahan dahan siyang lumingon sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita ako.

"Oh, It's you again." he said. Ngumiti ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito ? Bakit wala ka na namang kasama?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Ah. I'm actually with my Yaya pero she's actually busy. Busy flirting someone." pairap niyang sagot kaya natawa naman ako.

"Asan na siya?"

Tinuro naman niya yung isang babae na nasa labas ng bookstore na may kasama at kaharutang lalaki.

"Can I come with?" tanong niya sa akin.

"Hmm. Hindi ka ba natatakot na baka dalhin kita kung saan?" tanong niya sa akin. Ngumiti naman siya at humawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero, nung hawakan niya ang kamay ko pakiramdam ko sobrang saya ko. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya, though hindi talaga ako mahilig sa mga bata.

Our Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon