9 You're My WHAT?

1.6K 24 4
                                    

Dedicated to her. Salamat sa Votes and Comments :)


3rd Person's P.O.V

Unti-unting minulat ng dalaga ang kaniyang mga mata na nagmula sa matagal na pagkakahimbing. Tanging kulay puti lamang ang kaniyang nasilayan sa kanyang muling paggising.

Inilibot niya ang kaniyang paningin at nasaksihan ang isang lalaking natutulog sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga.

'Huh? Asan ako?' isa sa mga tanong sa kaniyang isip na hindi niyang maisatinig.

Marahan niyang hinawakan ang buhok ng lalaking natutulog, sa kaniyang ginawa ay naalimpungatan naman ang lalaki kaya't dahan dahan nitong minulat ang kaniyang mga mata.

Nanlaki ang kanyang mata ng magising ang dalagang halos dalawang buwan na niyang binabantayan.

"Finally, you're awake." masayang wika nito at niyakap ng mahigpit ang babae.

Bahagyang naguluhan ang babae sa inasal nito kaya't panibagong tanong na naman ang pumasok sa kaniyang utak.

'Who is he? And... Who am I?' gusto niya itong itanong ngunit wari ba'y walang boses na lalabas sa kaniyang bibig.

Mukhang nahulaan naman ng nagbabantay sa kaniya na gusto nitong magsalita kaya't dali dali siyang kumuha ng tubig na maaring ipainom dito.

"S-sino ka?" mahinang tanong ng babae. Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki dahil sa tinanong sa kaniya.

"H-hindi mo ako kilala?" alalang tanong nito.

"S-s-sino ka? S-sino a-ako? Bakit w-wala a-kong maalala?" naluluha at naguguluhang tanong ng babae at pilit na inaalala kung sino siya.

Nabigla ito dahil bigla na lang inumpog ng babae ang ulo sa dingding.

"ARGHHH. BAKIT WALA AKONG MAALALA?" sigaw nito habang umiiyak. Nataranta ang lalaki at agad na pinuntahan ang babae. Dali dali nitong pinindot ang intercom para ipaalam sa doctor na gising na ang pasyente.

"Please, sabihin mo. Sino ako?" nagmamakaawang tanong ng dalaga habang umiiyak.

Agad niya itong niyakap at pinatahan.

"Ssshhh. Wag mong saktan ang sarili mo. Sasabihin ko sayo ang lahat. Lahat lahat. Wag kang umiyak. Makakasama sa baby natin yan." natigilan ang babae sa pag-iisip dahil sa narinig.

Unti-unti itong tumingin sa lalaking yumayakap sa kanya at bahagyang humiwalay sa pagkakayakap.

"B-baby? N-natin?" nauutal nitong tanong.

"Ahuh." nakangiti nitong sagot sa kanya.

"Who exactly are you?" kalmado na nitong tanong.

"I'm Cloud Cyrus Henley. I am the father of your child and your boyfriend. And you. You're Chasten. Chasten Bright Stevenson. My beautiful girlfriend and future wife."

Chasten Bright/ Raine's P.O.V

"I'm Cloud Cyrus Henley. I am the father of your child and your boyfriend. And you. You're Chasten. Chasten Bright Stevenson. My beautiful girlfriend and future wife."

His face. I seriously want to punch his face right now. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang suntukin. And wait.

"You're my what?" I asked him, but instead of answering my question he just starred at me.

"Hey. Hello earth to you Cloud. Kinakausap kita." naiirita kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya ng sobrang lapad at yumakap sa akin.

"H-hey." pilit ko siyang tinulak pero heck ang hina hina ko pa.

Our Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon