5 Years Later...
Franklin James P.O.V
"Mommy naman eh. Pang ilang date na ba yun? Ayoko nga sinabi eh."
"You're coming with us, Franklin James. Whether you like it or not." matigas na sabi niya.
"Bu------" hindi na ako nakapagsalita dahil inunahan na niya ako.
"No buts, young man." wika niya bago tumayo.
"Pagbigyan mo na ang mommy mo. Alam mo namang kapakanan mo lang din ang iniisip niya."
"Dad, Bata pa naman ako, bakit kailangan niyong magmadali ni Mommy." Tinapik lang ni Dad ang balikat ko bago sumagot.
"Hindi ka na bata. Kailangan mo ng bumuo ng sarili mong pamilya. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Simula noong mawa----"
"Dad." tawag pansin ko sa kanya.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap na wala na siya?" tanong ni Daddy. Napaiwas ako ng tingin.
"Limang taon na ang nakakalipas, pero hanggang ngayon nasa nakaraaan ka pa rin. Hindi lang naman ikaw ang nawalan James, mas masakit sa amin na malaman na wala na si Raine. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang kapatid mo, ang gusto ko lang ay tanggapin mo ang katot---"
"I don't want to talk about it. I'm sorry, Dad. Susunod na lang ako sa restaurant." tumayo na ako at lumabas ng bahay.
Tss. Limang taon na pala ang nakakalipas pero hanggang ngayon ang sakit pa rin. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko.
"Let's go James." Wala sa loob na sumunod ako kay Mommy.
Eto na naman siya, sa loob ng limang taon na wala si Raine ay palagi akong sinesetup ni Mommy na makipagdate sa anak ng kanyang mga business partners niya.
Pss. Siguro kung bibilanging pang 47th date na tong gagawin ni Mommy.
"James, I'm pretty sure na magugustuhan mo ang anak ni Mr. and Mrs. De Guzman. She's beautiful, kind, sweet and most of all she's intelligent. She's perfect for you." she said. Kulang na lang kuminang ang mata niya habang pinapakilala yung anak daw nung De Guzman. Pss.
Pagdating namin sa Japanese Restaurant ay agad akong hinila ni Mommy papunta sa pinakagitnang table.
Pagdating namin dun ay may apat na taong nakaupo.
"Mr. and Mrs. De Guzman, sorry we're late." bati ni Mommy.
Naggreet sila sa isa't isa habang ako ay nakatayo lang sa gilid.
"How are you, Paris?" tanong ni Daddy dun sa babaeng nakayuko.
"O-Okay lang po, Tito."
Wow? Tito, close sila? Pss.
"Ow By the way, this is our son. Franklin James Marquez."
"Hmm. You have a handsome son, Balae." Ano daw? Balae? -_- Pagkakatanda ko wala pa akong asawa, paano sila naging magbalae. Tsk.
"Indeed. San pa ba mangmamana yan? Edi syempre sa akin lang." pabirong sagot ni Mommy.
Dahil wala ako sa mood ay nakatayo lang ako sa gilid, ayoko ngang umupo dun. Lalo pa't katabi yung Paris na kung makatingin sa akin ay parang gusto na akong tunawin.
Arghh. Dude, I know I'm handsome but uhh, Paris is not my type. My Lorraine is way better than her.
Nung napansin ni Mommy na hindi ako nagsasalita at nakatayo lang ako sa tabi ni Dad ay binigyan nya ako ng -Greet-them-and-Have-Sit-Look. Pero instead na bumati ay naupo lang ako sa vacant seat ng wala sa loob.
BINABASA MO ANG
Our Forbidden Love Affair
General FictionHey :) This story contains Incest Relationship, if you're not comfortable with the theme you better stop reading this story. ^___________^