Cloud Cyrus' P.O.V
"Ne. Cyrus. Ilang taon na ako?" biglang tanong niya sa akin.
"20."
"Kelan ang birthday ko?"
"Secret."
"Ihhh. Kelan nga?"
"Secret."
"Cyrus, isa pag hindi mo sinabi sasamain ka talaga sa akin."
"Sec-ret."
Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha ang unang kanina lang ay yakap yakap niya. Nanlaki ang mata ko ng ihampas niya yung unan sa mukha ko.
"Sige lang Cloud. Wag mong sagutin ang mga tanong ko sa susunod hindi na unan kundi vase na ang ihahampas ko sayo." irita niyang sabi. Napatawa naman ako dahil halatang halata sa kanya na naiirita na siya sa akin.
"Sige, tawa pa. Nakakatuwa ka eh." sarcastic na sabi niya.
"Eto naman. Galit agad." hinigit ko siya para mahiga ulit siya sa tabi ko.
"Kasi naman ikaw eh. Tinatanong ka ng maayos di mo naman ako sinasagot."
"Ayoko ngang sabihin sayo." seryoso kong sagot sa kanya.
"Bakit ngaaa?" tanong niya ulit na may kasama pang hand gesture.
"Eh kasi nga, I want to surprise you on your birthday. So for now, matulog ka na muna dahil makakasama kay baby na nagpupuyat ka."
"Ewan ko sayo. Matutulog na nga ako."
"Goodnight, Chasten." i whispered.
"Oyasumi, Cloud." ngumiti siya at yumakap sa akin.
Pinagmasdan ko lang siya habang nakapikit. Alam ko namang hindi pa to matutulog eh. Aantayin pa ako nitong matulog para bumaba sa kusina para kumain ng ice cream. Yes people. Sa Ice cream siya naglilihi. Kaya lagi kaming my stock na ice cream. Pero minsan pinapakain ko na rin sa maid yung iba kasi masama rin naman ang sobrang ice cream para sa kanilang dalawa.
Isang linggo na rin pala mula ng makauwi kami dito sa bahay ko. Hanggang ngayon kinikilala pa rin niya ang sarili niya. Marami siyang mga tanong sa akin. Lahat naman ito ay alam ko. Kilala ko siya. Kilalang kilala.
May mga rason kung bakit ako nandito. Kung bakit ako ang kasama ni Chasten. Kung bakit ko siya inilayo sa lugar na kinalakihan niya. Dinala ko si Chasten sa Provice. Sa lugar na hindi pag-iisipan ng kanyang kapatid na nandun siya.
Alam kong pinahahanap pa rin siya ni James. Napatitig na naman ako sa kay Lorraine. Mapatawad niya kaya ako sa oras na bumalik ang ala-ala niya. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero sa ngayon ito ang tama. Swerte na siguro na nagka amnesia siya ngayon. Mas maganda na rin yung wala siyang naalala.
Sino ako?
I'm Cloud Cyrus Henley, I've been always looking at her from a far. I know everything about her. Even her relationship with her own brother. Alam ko rin na si James ang tunay na ama ng baby na dinadala ni Chasten ngayon.
Pero kahit na hindi ang dugo ko ang dumadaloy sa bata, sisiguraduhin kong ako ang kikilalanin niyang ama.
Selfish ba ako? Haha siguro nga. Pero anong magagawa ko. Simula bata pa lang kami mahal ko na siya. Kaya ngayong may pagkakataon akong makuha siya, gagawin ko ang lahat mahalin nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Our Forbidden Love Affair
General FictionHey :) This story contains Incest Relationship, if you're not comfortable with the theme you better stop reading this story. ^___________^