Bodyguard
Palabas ako ng kwarto ko para mag-almusal na. First day of the week. Kakatapos ko lang din mag-asikaso pero hindi ako gaano nagmamadali dahil maaga pa naman. I opened the refrigderator para kumuha ng gatas. An apple fell from it, yumuko ako para damputin iyon. Nang mag-angat ako ng tingin natagpuan ko si Tobias na naka-upo sa sofa. Nakasalubong ang kaniyang mga kilay habang ang mga mata ay galit na nakatingin sa akin.
Inirapan ko lamang siya at umupo na sa dining area. Simula ng lumabas sila ni Bernadette ay hindi na kami nag-uusap. He is just sending me text messages asking me kung palabas na ba ako ng campus or kung nasaan ako and I was just replying plain answers. Tinapos ko ang pagkain ko ng cereal at niligpit ang mangkok.
Maybe he's observing me kasi pagkatapos ko maghugas ay tumayo na siya at naunang naglakad palabas ng bahay. Dinampot ko naman ang bag ko at sumunod. Sumakay na siya sa kotse at pagkasakay niya ay sumunod ako agad. May mga ganitong pagkakataon na hindi maiiwasan na kailangan namin magsama sa isang close space at sobrang tension. Hindi ko alam kung ano ang kinakagalit niya at hindi ko rin maunawaan kung bakit ako galit. Pero nasisiguro ko na kung galit siya ay mas doble ang galit na nararamdaman ko.
Sobrang tahimik namin sa loob ng kotse. He is so focus on driving. Minsan ay nagkakatinginan kami ngunit nag-iiwas agad ako ng tingin.
I am getting bored right now sa nakabibinging katahimikan.
I cleared my throat at napalingon siya sa akin.
"Can I connect sa Bluetooth?" I asked at tinanguan niya lamang ako bilang tugon.
Really? Kahit simpleng pagsagot ng "Oo" ay hindi niya magawa. Ganoon ba siya kagalit.
I disregard my thoughts dahil baka masapak ko siya ng wala sa oras kapag iniisip ko pa ng inisip. I connect my phone at nagpatugtog. I don't know kung anong music taste niya pero I choose FM Static na lang since iyon ang nasa unahan kong playlist.
His face remained stoic. He stopped the car in front of the campus. I fixed myself at binitbit ang mga gamit na dala. Pababa na akong kotse when he spoke.
"Take care and text me," he said looking at me ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin.
I nod ang walks out of the car. Naglakad na ako papasok ng campus. I attended my class. Public Analysis and Planning. Next week na rin ang internship ko. I have to arrange my schedule na. Since the shooting happened super nagulo ang sched ko.
After my class I went to the library to borrow a textbook. Pagkatapos ay kinita ko si Devone sa coffee shop malapit sa school. Sasakay lang naman ng trike. I texted Tobias para alam niya kung saan ako susunduin later.
He just sent a like emoji.
Natanaw ko si Devone na busy sa laptop niya. I sat in front of her. And bring out my reading materials. I have to be serious malapit na ang finals. I don't know if it is just me pero sometimes I have to read a loud a certain word or sentence na hindi ko maintindihan para mag-sink in sa akin.
"I ordered coffee for you ah," Devone spoke pero bumalik muli sa ginagawa niya sa laptop.
I smiled and thank her. Inabala ko muli ang sarili ko sa binabasa. Tumayo lamang ako ng marinig ko na tinawag ang pangalan ni Devone para sa order namin.
"Ako na," sabi ko sa kaniya ng akmang tatayo siya.
Bumalik ako muli sa table namin. Ang kagandahan sa coffee shop na 'to ay kaunti lang ang tao pero medyo pricy, above normal. Pero keri lang, ang calming naman ng ambiance. Niligpit na ni Devone ang laptop niya.
"Finals sucks, anim na plate pa hindi ko nagagawa," she problematically said.
I just chuckled and shake my head. Nilantakan niya ang chocolate cake. Ako naman ay sumimsim lang sa mainit na kape.
YOU ARE READING
I Would Rather Live Alone
RomantizmLoud. Outgoing. Adventurous Vocal That's how Raine Zafe is. She's easily bond person a one call away friend and a source of happiness to everybody. But she doesn't expect that her personality would turn upside down when she become a prosecutor. Sh...