CHAPTER 1

408 6 0
                                    

“Bwisit talaga! Hindi ko pa tapos yung sa practical research!” inis na sinipa ni Eileithyia ang maliit na trashcan sa tabi ng table namin. Frustrate na kasi sya sa mga pinagagawa ng teachers namin. Sunod-sunod pa. Gusto ko namang tulungan ang kaibigan ko kaso marami rin akong tatapusin.

“Ikaw, tapos mo na ba yon tsaka yung sa statistics and probability?” tanong nya kaya mabilis akong umiling bago bumuntong hininga. “Yung sa practical research tapos ko na, yung isa hindi pa.”

“Edi sanaol.” bulong nya saka umirap.

Minsan nagsisisi ako na ABM ang kinuha kong strand pero hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang gusto ko kaya kinuha ko na lang din ang strand na kinuha ng kapatid kong panganay.

First week ko palang dito as an ABM student, sobra na akong nahirapan yung tipong umabot sa point na sinasabi ko sa sarili ko na baka bumagsak ako pero sadyang pinalad talaga ako at nakapasa sa first semester. Kaya ito, second sem na kami pareho ni Eileithyia.

“Nga pala” wika nya. “Oh!” pagalit nyang inabot saakin ang isang papel na parang galing pa sa sinaunang panahon. Agad akong napangiti ng makita yon. Kilala ko kasi kung kanino yon galing.

“Seryoso? Sagutin mo na kasi sya. Sabi mo, gusto mo sya diba?” irap pa nya ng tanggapin ko ang papel saka binuksan.

“e, di pa nga pwede. Sabi kasi ni ate, wag daw muna ako mag boyfriend.” tukoy ko sa kapatid kong panganay. Totoo naman yon. Si ate kasi ang nag papaaral saming dalawa ng bunso kong kapatid. Baka raw kasi mabuntis ako ng magiging nobyo ko saka iwanan. Wala rin naman akong balak mag boyfriend. Isa pa, ayoko pang mag kaanak sa edad na nineteen ano? Wala nga akong trabaho, e.

I mean, meron naman akong trabaho pero part time job lang. Maliit lang ang sahod pero okay lang naman kasi pang extra money lang naman yon.

“Tsaka, magkaiba ang crush sa gusto. Crush ko lang naman sya, e.” Oo, crush ko lang talaga yung nagbibigay sakin palagi ng sulat. Ma-issue kasi to si Eileithyia.

“Edi wow. Oh, ano ngang nakasulat?” tanong nya sabay dungaw sa papel na agad ko namang iniwas sakanya.

Pinanlakihan ko sya ng mata bago mag salita. “Tse! Ako lang magbabasa nito, ano!” irap ko na tinawanan nya lang.

Susunduin kita sa labas ng classroom niyo mamayang uwian. Kain tayo sa labas.

-Rohesia

“Bakit ka nangiti dyan?” pag-aakusa nya pa. “Tapusin mo muna yung sa statistics and probability bago ka lumandi dyan! Letse to.” sermon nito saakin na tinawanan ko lang. Tinaas-baba ko ang aking dalawang kilay para mang-asar kaya hinampas nya ako ng notebook.

-

“Sa mga hindi pa nakakapag pasa, hanggang friday lang ang deadline.” paalala ng teacher namin bago lumabas ng classroom namin. Narinig ko ang pag sabi nila ng yes at isa na don si eileithyia. Hindi kasi sya nakapag pasa kasi wala syang gawa.

“Huy! Diba si Rohesia yun?!” nagulat ako sa pagkalabit sakin ng classmate ko. Ang lakas kasi. Bumaon pa yung matulis nyang kuko sa balat ko.

Napangiwi naman ako sakanya bago tumingin sa tinuturo nya.

“Uy! Mag da-date kayo?” pakikisali naman ng isa pa naming classmate. Nagtilian naman sila at inasar ako. Sila pa yung kilig na kilig kesa sakin. Umirap ako pero nauwi din sa malaking ngiti dahilan para mas lalo pa nila akong asarin. Hiyang-hiya tuloy akong lumabas ng classroom.

“A-ano...hello” mahina kong bati sakanya habang nakayuko dahil sa kapulahan ng muka.

“Hello” bati nya saka ngumiti. Nakita kong nag silabasan ang mga classmate ko habang tumitingin saming dalawa. Lumapit pa samin si Eileithyia at tinulak ako papalapit kay Rohesia sabay tumakbo papalayo.

“S-sorry!” wika ko ng napahawak at napasandal ako sakanya. Natalsikan ang damit nya ng kanyang iniinom na milktea at kasalanan ko yon---namin ni Eileithyia. Napipi kasi yung iniinom nya nung napasandal ako sakanya.

“Sorry! Sorry talaga!” natataranta kong sabi saka pinunasan ang suot nya ng panyo ko as if namang matatanggal yon.

“Uh, okay lang” sabi nya kaya pinunasan ko na lang ang kanyang braso na natalsikan din. “Uy, okay lang talaga. Ako na” giit nya pa sabay tabig sa kamay ko. Pupunasan ko pa sana sya kaso biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Agad ko namang kinuha yon at sinilip kung sini ang nag text sakin.

Unknown number:
Seriously?

Kumunot ang noo ko matapos mabasa ang message galing sa unknown number. Akma ko na sanang ibabalik sa bulsa ang cellphone ng mag vibrate na naman ito.

Unknown number:
Stay away from him.

Wala naman sana akong balak pang pagtuunan ng pansin ang mga message nito saakin pero nag padala na naman ito ng message.

Unknown number:
He's too old for you.

Professor Where stories live. Discover now