CHAPTER 9

90 3 1
                                    

Napagpasyahan ko na wag na lang sabihin kay elle ang tungkol sa paghatid sakin ni sir, Kendrick. Tinapos ko na agad ang usapan namin at nagpaalam na sa kaniya para makapagpahinga pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa screen ng cellphone ko habang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko kay elle.

Mabuti na lang talaga hindi ko tinuloy ang pagkwento ko sa kaniya. Muntikan pa talaga kaming magtalo dahil sa magkaibang opinyon at pagkakaintindi tungkol sa nangyari.

Tumaas ang kilay ko ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone kasabay ng paglitaw ng isang message na sinundan pa ng isa.

Tryp:
Hey...

Tryp:
Are you still awake?

Napaayos ako ng pagkakahiga sa kama matapos mabasa ang message galing kay Tryp. Siya yung nag m-message sakin na unknown number yung nakalagay. Ni-save ko yung number niya nung nagpakilala siya.

Anong oras na tapos nag message pa siya?

Tryp:
I mean, i know you’re awake.

Tryp:
Nakita kita kani-kanina lang na naglalakad pauwi.

Tf? Nakita niya kong naglalakad pauwi? Bakit? Taga saan ba siya?

Ako:
Taga saan ka?

Matapos ko yong i-send ay napairap na naman ako habang iniisip yung mga pagkakataon na nag r-reply ako sa kaniya tapos binabato siya ng mga tanong.

Hindi kasi siya nag r-reply! Pinag-aantay niya lang ako!

Iirap pa sana ako kasi ang tagal niyang mag reply pero mukang maayos siyang kausap ngayon dahil lumitaw ang panibagong message galing sakaniya.

Tryp:
Why are you curious? ^.^

Muli akong nagtipa ng i-r-reply sa kaniya.

Ako:
Sagutin mo na lang.

Tryp:
No.

Tuluyan ng napakunot ang noo ko dahil sa nireply niya sakin na para bang hindi yon matanggap. Seryoso ba siya? At ano namang tono ng no niya na yan? Pagalit? Nang-aasar?

Di niya naman kailangang sabihin yung address niya! Kahit street lang kung saan siya nakatira para at least alam ko.

Ako:
Huh? Bakit?

Nag-antay ako ng ilang minuto sa kaniyang reply. Akala ko nga hindi na siya mag r-reply pa pero sunod-sunod na lumitaw ang message niya makaraan ang ilang minuto.

Tryp:
Because i heard you dated Rohesia again.

Tryp:
Tss.

Tryp:
Sa oras pa talaga ng trabaho mo, huh?

Tryp:
I thought it's not allowed?

Tryp:
I told you to stay away from that boy, yet you didn't listen. Ano bang meron sa lalaking yan?

Natameme ako matapos mabasa ang mga message niya sakin. Hindi ko alam kung naiintindihan ko ba ang sinasabi niya dahil natulala lang ako at para ngang ayaw pa nitong pumasok sa utak ko.

Kunot noo akong nagtipa ng i-r-reply sa kaniya pero binubura ko naman kasi wala akong maisip na sabihin. Sinubukan ko ulit mag type pero muli ko na namang binura.

Tryp:
That boy is trying my patience, huh?

Tryp:
And you won't even listen to me. Do you want me to do something with that boy?

Professor Where stories live. Discover now